CHAPTER THIRTY-SEVEN (Stakeout)

2.3K 203 77
                                    


A guy is only insecure about losing his girl when he knows someone else can treat her better - Unknown

--------------------

Riel

            Nakaupo lang ako dito sa silid na tinutulugan ni River at nakatitig sa mga nakasabog na bala ng playstation. Naka-on pa nga ang unit. Hindi na napatay dahil nagmamadali na silang umalis ng mommy niya kanina.

            Napatiim-bagang na lang ako habang isa-isang dinadampot ang mga cd at inilalagay sa case. Ini-off ko din ang unit at inis na ibinato sa kama ang game console. Mahina akong napamura at naikuyom ko ang mga kamay. Gusto kong suntukin ang sarili ko.

            I lost it. It was my fault kaya umalis si Meara dito. Dahil pinaalis ko sila. Dahil hindi na nila kailangan na magtago dito.

            Dahil na nila kailangan ang tulong ko.

            Meara was free already. Ghost and that asshole lawyer made it sure that Perry will be gone forever. Although they didn't kill him, I knew Perry was somewhere out there where he would be wishing that he was dead.

            Napabuga ako ng hangin habang nakasalampak sa carpet at nakatitig sa mga gamit na naroon sa loob ng silid ni River. Wala silang dinala na kahit na ano. Lahat ng mga ibinili ko, binigay ko para kay River ay naiwan dito. Napangiti ako ng mapakla, ayos lang. At least, walang souvenir. Mas madaling makaka-move on si River at alam kong darating ang panahon makakalimutan na rin niya ako.

            I loved that kid. I saw myself in him but it was better this way. Mas maigi na habang maaga ay malayo na siya sa akin. Masyado akong iniidolo ng batang iyon. Ang akala niya ako ang tagapagtanggol niya at ng nanay niya. Hindi niya alam, ako ang dahilan kung bakit nasadlak sa ganitong buhay ang nanay niya. That was the guilt that was eating me alive. Looking at Meara's face and seeing her every day, it was fault she was raped by a monster then ended up with his devil husband.

            Ang huling alas ko na nga lang para mabawasan ang guilt feeling ko ay ang mahanap kung sino ang nang-rape sa kanya. Ang pulis na bumaboy sa kanya. But now that Vic's dead, it's fucking dead end for me.

            Kaya ako nagkakaganito. Kaya ako nagagalit sa sarili ko dahil wala akong magawa para mabigyan ng hustisya ang nangyari kay Meara. Pati sa pagliligtas sa kanya kay Perry hindi rin naman ako ang gumawa. Kung hindi pa dahil kay Ghost at sa gagong abogado na naman na iyon, hindi pa magiging malaya si Meara. Putangina. Anong silbi ko? Tagaluto dito? Taga-aliw kay River? Taga-kausap kay Meara para sabihin sa kanya na huwag na mag-aalala? Gusto kong makita ni Meara na kaya ko siyang ipagtanggol. Kaya ko siyang iligtas kahit kanino. Kaya kong tumulong sa kanya para maging maayos ang buhay niya. Hindi man ako kasing-yaman ng asawa niya, pero matinong tao ako. Hinding-hindi ko siya sasaktan.

            Pero umiiyak siya nang umalis dito kanina. Hindi mo pa siya sinaktan n'on?

            Mahina akong napamura nang maisip iyon at inis na naihilamos ang kamay sa mukha ko. Pakiramdam ko ay binibiyak ang dibdib ko sa tuwing maalala ko na umiiyak si Meara sa harap ko. Umiiyak siya dahil kagagawan ko. Pero tama lang iyon. Maigi nang buuin niya ang sarili niya na wala na ako sa anino niya.

            Magkakaroon na sila ng bagong buhay ng anak niya at masaya ako doon kahit na nga isang bahagi ng pagkatao ko ang umaasa na kasama ako doon.

            Tumunog ang telepono ko at nakita kong si Ghost ang tumatawag sa akin. Tiningnan ko lang ng masama ang telepono at hindi ko sinagot. Pinabayaan kong tumunog nang tumunog. Nahiga ako sa carpet na nakalatag sa kuwarto ni River habang patuloy sa pagtunog ang telepono ko. Fuck Ghost. Bakit pa siya tumatawag? Doon na siya sa paborito niyang abogado.

PERFECT LIE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon