CHAPTER FIFTY-ONE (Real Family)

4.6K 259 52
                                    


The past is a place to learn from, not to live in.

RIEL

"You think he will understand?"

Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni Meara sa kamay ko habang nakatayo kami pareho sa tabi ng kama ni River. Bugbog na bugbog pa ang hitsura nito. Nakabalot pa rin ng benda ang ulo.

"I don't know." Mahinang sagot ni Meara habang nakatingin din sa anak niya. Mayamaya ay naririnig ko siyang sumisinghot. Nang tingnan ko ay nakayuko lang at umaalog ang mga balikat.

"Hey. Hey," agad ko siyang iniharap sa akin at iniangat ko ang mukha. Punong-puno ng luha iyon. Hindi siya makatingin ng deretso sa akin. "Look at me."

Nahihiyang nag-angat ng tingin si Meara sa akin tapos ay muling yumuko at humagulgol. Napahinga na lang ako ng malalim at niyakap siya ng mahigpit. Ramdam ko pa rin ang bigat ng nararamdaman ni Meara mula sa mga nalaman niya tungkol sa amin ni River. Actually, tungkol sa aming lahat. Ibang klase magbiro ang tadhana. Talagang itinodo sa buhay ko. Sa buhay namin.

"I know he would understand but, I didn't want him to know the truth." Humihikbing sabi ni Meara habang nanatiling nakayakap sa akin.

Hindi ako nakasagot. Ang totoo, iyon din sana ang gusto kong mangyari. Napakabata pa ni River para maintindihan nito ang katotohanan tungkol sa pagkatao nito at sa pagkatao ko. Alam kong mahihirapan itong intindihin ang ganito kalalim na sitwasyon. Kahit nga ako, hanggang ngayon hindi ko matanggap na ganito. Na dahil sa pagiging sakim ng isang tao, ilang buhay ang nasira at nagka-sanga-sanga ngayon.

"We can lie about it." Sagot ko.

Marahang lumayo sa akin si Meara at gulat na tumingin sa mukha ko. "Lie?"

"Yeah." Pinahid ko ang mga luhang naglandas sa pisngi niya. "I know it's wrong to lie but, do you want River to end up like me? My life is a mess from the start. I... I am just... I tried to make everything right about my life. I tried to be strong for myself because I know there won't be anyone who will be there for me when the time comes that I need it." Napapikit-pikit ako para mabasag ang mga luha sa mga mata. "I don't want River to be like that. And he is lucky because you are here for him. Let's lie about the truth, Meara. I don't want him to know the truth about our connection. Tama nang ang buhay ko na lang ang nasira. We have the chance to change someone's life and we do it. Let's keep this secret down to our graves."

Tumingin si Meara sa anak niya at lumapit tapos ay hinawakan ang kamay nito.

"If you think that will be good for him then it's okay. We keep it." Tumingin siya sa akin at humarap tapos ay yumakap. "I am so sorry. I am sorry if I didn't listen to you."

Pinabayaan ko na lang siya ng ganoon. Pinabayaan ko ang sarili kong yakapin ako ni Meara dahil akala ko hindi ko na mararanasan uli ito. Matapos lumabas ang lahat ng katotohanan tungkol sa akin at sa ginawa ni Javier, tanggap ko nang hindi ko na makikita uli si Meara. Tanggap ko nang hanggang kamatayan ay dadalhin niya ang galit sa akin. Pero heto kami ngayon. Hindi na namin kailangan pang magpaliwag sa mga nangyari. Sapat na ang magkasama kami.

"Sshh... you don't need to say sorry. I think we don't need to talk about anything. We forget about it. We buried the past." Napahinga ako ng malalim tapos ay hinalikan ang noo niya. "I think this is destiny's will. To cross our paths so we could learn the truth and we could accept it."

Tumango lang siya tapos ay lumayo din sa akin at pinahid ang luha. "Do you think it's destiny? I think someone made this to happen. Who is Greg Laxamana?"

PERFECT LIE (COMPLETE)Where stories live. Discover now