CHAPTER FORTY-SIX (The Hard Truth)

2.3K 189 75
                                    




The truth isn't always beautiful and beautiful words aren't always the truth.

Riel

            Kanina pa ako narito sa loob ng sasakyan ko pero hindi ako bumababa. Nakaparada lang ako sa tapat ng bahay ni Tatay Javier habang hawak ang telepono ni Chief Magtanggol. Kanina pa rin kumakabog ang dibdib ko. Sa kaba. Sa galit. Isang bahagi ng isip ko ang nagsasabing may alam si tatay sa nangyari noon kay Meara. Tulad ng sinabi ni Chief Magtanggol, may matataas na ranggo ang nakakaalam ng tradisyon na iyon. Nag-retire si tatay na mataas ang ranggo kaya malabong hindi niya alam ang tungkol doon.

            Maaaring ginawa din niya iyon.

            Napalunok ako sa katotohanang iyon. Ayaw kong isipin dahil napakataas ng tingin ko sa tatay ko. Napakalaki ng respeto ko sa kanya pero kung nagigipit at kapalit ng mataas na posisyong gustong makamtan ng bawat pulis na katulad, ang iba ay talagang kakapit sa patalim. Bulag ang mga matang susunod sa iuutos ng nakakataas.

            Katulad ko lang din noon.

            Noong bagong pulis pa palang ako. Noong uhaw na uhaw ako sa recognition na makilalang kaya kong gawin ang trabaho. Na kahit alam ko. Kahit ramdam kong inosente si Meara ay inaresto ko.

            Binuksan ko ang telepono ni Chief Magtanggol. Tiningnan ko ang mga text messages. Mula sa iba't-ibang numero. Mga report sa kanya ng mga nangyayari sa paligid. Kahit retirado ay sinasabi pa rin dito ang mga nangyayari sa departamento. Hanggang sa makita ko ang isang text.

            Galing kay Tatay Javier.

            May problema tayo.

            Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Iyon lang ang sinabi ni Tatay. Nang tingnan ko ang call logs, si Chief Magtanggol ang tumawag sa kanya.

            Muli ay sumilip ako sa bahay ni Tatay Javier at napahinga ako ng malalim at bumaba sa sasakyan ko. Ibinulsa ko ang telepono at lumakad patungo doon. Hindi na ako nag-doorbell. Walang ingay akong pumasok. Sumilip muna ako sa bintana at nakita ko si Tatay na nakaupo sa sofa habang nakaharap sa TV. Basketball ang palabas. May hawak na isang bote ng beer sa isang kamay at telepono sa isang kamay. May kausap. Tinungo ko ang pinto at hindi na ako kumatok. Dahan-dahan akong pumasok at naririnig kong may kausap si Tatay.

            "May suspect na kayo?"

            Nanatili akong nakatayo sa likuran niya.

            "Ang dami n'yong pulis diyan hindi n'yo malaman kung sino ang pumatay kay Gardo?" Bahagyang tumaas ang boses niya. Nagmura pa nga.

            "Huwag n'yong ipakita sa akin kung gaano kayo ka-inutil. Kausap ko si Gardo kanina nang may pumasok sa bahay niya. Tingnan n'yo ang cctv footages na nandiyan sa paligid. Alamin ang mga bagong mukha na umaali-aligid. Tawagan n'yo ako kung may suspect na kayo."

            Painis niyang inihagis sa mesa ang hawak na telepono at uminom sa hawak na beer. Binitawan din niya iyon at narinig kong napahinga ng malalim. Naisuklay pa ang mga kamay sa buhok at inis na tumayo. Nagulat pa nang makita akong nakatayo sa likuran niya.

            "G-gabriel!" bulalas niya. Kitang-kita ko ang pagkataranta sa mukha niya nang makita ako. Lumapit pa nga sa akin at yumakap pero hindi ko ginantihan ang pagyakap niya. Nang lumayo ay tiningnan pa ang mukha ko. "Anong nangyari sa iyo? Nahanap mo ba kung nasaan ang babaeng iyon?"

            Hindi ako kumibo at inilabas ko lang ang telepono ni Chief Magtanggol at ibinigay sa kanya.

            "A-ano 'to?" taka niya. Papalit-palit ang tingin sa akin at teleponong ngayon ay hawak niya.

PERFECT LIE (COMPLETE)Where stories live. Discover now