CHAPTER THIRTY-THREE (Pre-Trial)

2K 202 24
                                    


Let the monster see you smile.

----------------------------------------

Meara

Mabilis akong tumingin sa bintana nang marinig kong may pumaradang sasakyan sa tapat ng bahay ni Riel. Kandahaba ang leeg ko para malaman ko kung sino iyon pero na-disappoint lang ako nang muling umandar ang sasakyan paalis.

Nasaan na si Riel? Two days na siyang hindi umuuwi. Nag-text lang kay River na may pupuntahan pero kahit tawagan ng anak ko, hindi sinasagot. Lagi lang magti-text na busy. At ano naman ang pinagkaka-busihan niya? Wala naman akong alam na trabaho niya.

Napapikit ako napailing. Kung bakit kasi...

Napabuga ako ng hangin at dumeretso sa kusina. Uminom ako ng tubig at sumandal sa ref.

Kung bakit kasi nangyari iyon. That kiss was a mistake. It changed everything. Ngayon siguro ang sama ng iniisip sa akin ni Riel kaya hindi siya umuuwi dito sa bahay. Iniisip niya na masama talaga akong babae at kahit na sinong lalaki papayagan kong humalik sa akin. Damn it. I am still married to that monster.

Wala sa loob na nahawakan ko ang labi ko.

But his kiss was different. It made me feel something. It made me feel alive. It me feel that I was valued. I was something to be taken care of. Naramdaman kong importante ako. Hindi katulad nang nararamdaman ko noon na kasama ko si Perry. I felt I was like a thing that he would going to use every time he wanted. A dispensable thing that he could easily threw in the garbage when he didn't want anymore.

Kailan kaya uuwi si Riel? Kailangan namin mapag-usapan ang nangyari. Sigurado ako na kaya lang naman niya nagawa iyon dahil nalilito siya. May nangyari at nawala siya sa sarili niya at hindi niya alam na nagawa niya iyon. Oh my God. That freaking kiss complicated everything. Kumplikado na ang buhay ko lalo pang naging kumplikado ngayon.

Muli ay may pumaradang sasakyan sa tapat ng bahay at nang sumilip ako ay nakita kong si Attorney Eli ang bumababa sa sasakyan. Naalala ko na ngayon nga pala ang schedule ng pre-trial namin ni Perry. Ngayon kami maghaharap.

Nag-doorbell si Attorney kaya agad akong lumabas. Nginitian ko siya at pinapapasok sa loob.

"Good morning, Attorney." Nakasunod siya sa akin hanggang sa loob ng bahay.

"Are you ready for today?"

Ang ganda ng ngiti niya sa akin. Nakakagaan ng pakiramdam. Nawawala ang kaba ko na magkikita kami ni Perry at ang alalahanin sa nangyari sa amin ni Riel.

"Hindi ko alam. Kinakabahan ako."

Dahil iyon naman talaga ang nararamdaman ko. Isipin ko lang na makakaharap ko si Perry ay gusto ko nang mag-backout. I knew what he could do. Paano kung magharap kami at bigla niya akong saktan uli? Ayaw ko nang maranasan iyon. Hindi na kakayanin ng katawan ko.

"You don't have to worry. I'll be with you at hinding-hindi ka mahahawakan ng asawa mo. Nandito si Riel? Itatanong ko sana kung may libre siya ulit na paalmusal," natatawang sabi pa nito.

Umiling ako. "Two days na siyang umuuwi."

"Oh." Hitsurang nagulat pa si Attorney. "I thought he is coming with you today. So, okay ka lang kung hindi natin isasama ang anak mo? I mean, I don't want him to experience the horror of reliving what happened to you. I am going to be frank with you. When we get there, it's going to be ugly. Since your husband told the world that you are the bad guy, people think that you are the bad guy. Kailangan matibay ang loob mo. Kaya mo ba?" Ngayon ay seryoso na ang hitsura ni Attoney.

PERFECT LIE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon