CHAPTER FORTY-THREE (Run)

1.9K 174 31
                                    



The whole world can become the enemy when you lost what you love – Kristina McMorris

Riel

            "Come on. Pick up."

            Pigil na pigil ang emosyon ko habang tinatawagan ang number ni Meara. Hindi niya sinasagot ang tawag ko. Nang muli ko siyang tawagan ay nakapatay na ang telepono niya.

            "Shit!" Inis kong ibinato ang telepono ko at pabagsak na naupo sa sofa at nasalo ng mga kamay ang ulo.

            "Iho, ano ba ang nangyayari?" Damang-dama ko ang pag-aalala sa boses ni Tatay Javier.

            "Nawawala siya, 'Tay. Sila ng anak niya." Naihilamos ko ang kamay sa mukha. "Nandito lang sila kanina. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Hindi ko alam kung bakit sila biglang umalis dito. Maayos kami ni Meara." Napamura na ako at kinuha ko ang telepono ko at muling tinawagan ang numero ni Meara. Pero katulad pa rin kanina, nakapatay pa rin ang telepono niya.

            "Nag-away ba kayo?" Naupo sa harap ko si Tatay Javier at kinuha ang telepono niya. "Ibigay mo sa akin ang buong pangalan niya at ipapahanap ko."

            "Meara," naiiling na sabi ko. "Meara Azaceta. Dating asawa ni Perry. Peregrine Azaceta. Mayaman 'yon. I'm sure lalabas agad kung ano man ang mga detalye nila." Muli ay napamura ako. "Where the hell are you, Meara?" Sa sarili ko na lang nasabi iyon dinampot ko ang telepono ko at muling sinubukan na tawagan ang numero niya.

            Nagpipindot si Tatay Javier sa telepono niya tapos ay mayroong mga tinatawagan. Maya-maya ay tumunog ang telepono niya.

            "Yes. This is Retired Major General Javier Silva. I need some details to the name of the person that I sent you." Iyon ang narinig kong sabi ni Tatay sa kausap niya. 'Tangina, imbestigador ako pero bakit pakiramdam ko ngayon inutil ako at wala akong magawa para hanapin si Meara. Pilit kong iniisip kung ano ang dahilan at bakit sila biglang nawala ni River.

            "All right. Please send me the details," sabi pa ni Tatay at tinapos na nito ang pakikipag-usap. Naramdaman kong dumantay ang kamay niya sa balikat ko. "Relax, Riel. Everything is going to be fine. They are looking for her. Huwag ka nang mag-alala."

            "Hindi ko alam kung anong nangyari. Okay na okay kami. Nag-uusap na nga kami tungkol sa kasal. 'Tay, pakakasalan ko siya." Napabuga pa ako ng hangin at napapailing.

            Tumunog ang telepono ni Tatay at pareho kaming napatingin doon. May nagpadala ng message sa kanya. Binuksan niya iyon at tiningnan. Nakita kong kumunot ang noo ni Tatay tapos ay tinapunan ako ng tingin at muling tumingin sa telepono niya.

            "Meara Azaceta 'di ba?" Paniniguro niya. Napansin kong biglang nag-iba ang timpla ng boses ni Tatay. Naging sobrang seryoso habang nakatingin sa telepono niya.

            Tumango ako. "Oo, 'Tay. Si Meara. May nakuha silang lead? Kung saan siya puwedeng pumunta?"

            Napalunok si Tatay at muling tumingin sa telepono niya tapos ay ipinakita iyon sa akin. Litrato ni Meara ang naroon. "Ito ba?" paniniguro pa niya. "Ito ba ang Meara na sinasabi mo?"

            "Yes, that's her. Now, tell me if they have a lead." Desperado na ako dahil hindi ako alam kung saan ako magsisimula na hanapin si Meara. Walang dahilan para umalis siya dito nang hindi nagsasabi sa akin.

            Wala akong sagot na narinig mula kay Tatay pero halatang naging un-easy siya. Tingin ko nag-aalala din siya na nawawala ang babaeng mahal ko.

PERFECT LIE (COMPLETE)Where stories live. Discover now