CHAPTER TWO (The Job)

3.7K 194 34
                                    

Your past mistakes are meant to guide you not define you.

—————-

Riel

            Bodyguard.

            I'll be a fucking bodyguard. Of a ten year old kid.

            Mahina akong napamura habang binabasa ko ang mga na-print kong kopya ng mga files tungkol sa pamilya ni Peregrine Azaceta. The man came from a wealthy family of doctors. Mula pa sa lolo at lola ng lalaki ay mga doctor na. Hanggang sa mga magulang nito. Ito nga lang ang naiba ng landas at hindi pagdo-doktor ang kinuhang kurso. Perry, iyon ang nabasa kong nickname ng lalaki ay nagtapos ng kursong Business Management. Kaya siguro kahit hindi ito doctor, kayang-kaya nitong patakbuhin ang malaking ospital na minana sa mga magulang.

            Bukod sa ospital ay may iba pang mga negosyo ang lalaki. Supplier ito ng medical supplies sa mga ospital. Mayroon din itong chain of clinics na nagki-cater sa mga out patients na kailangan ng serbisyong medical. Nasa line of medicine pa rin naman ang negosyo ng lalaki at successful ito. Naroon ang net worth nito at napasipol ako nang mabasa ko ang eight billion dollars. Sigurado akong may iba pang tagong yaman ang isang ito.

            Sunod kong tiningnan ang files ng anak ni Perry. Lalaki iyon at ang pangalan ay River Jaxon Azaceta. Ten years old. Naroon ang mga detalye tungkol sa bata. Kung saan nag-aaral. Kung anong grade na. Nabasa ko rin na may ilang mga bodyguards na rin ang nagtrabaho para bantayan ito pero hindi nagtatagal. Apparently, the kid was one hell of a headache. Bata pa lang basagulero na. Laging napapaaway sa eskuwelahan. Bully. Napailing ako. And I hated bully kids. Sinubukan kong tawagan si Ghost para i-contest uli itong trabaho na ibinigay pero hindi sinasagot ang tawag ko. Napangiwi ako nang ang ma-receive ko ay isang litrato.

            Litrato niya na nakaupo sa beach chair at may hawak na Tequila Sunrise. Naka-sunglasses, naka-floral polo at boardshorts. Sa background nito ay ang napakagandang tanawin ng beach. Hitsurang relaxed na relaxed habang humihigop sa straw ng hawak niya baso.

            I gave you all the information that you need. I am having the best time of my life. Huwag mo akong istorbohin. Just call me if you are dying.

            "Damn you," mahinang sabi ko at inis na binitiwan ang telepono. Inis kong kinuha uli ang mga files tungkol sa pamilya ni Perry Azaceta. Sunod kong kinuha ang files ng asawa nito. Hinahanap ko ang picture at wala akong makita pero kumpleto ang detalye. Almeara Azaceta ang pangalan. Twenty-eight years old. Full time housewife. Sabagay. Kung bilyonaryo naman ang asawa ng babae, ano pang silbi ang magtrabaho. Wala naman akong makitang red flag sa mga files na nakita ko kaya hindi ko maisip kung anong case ang sinasabi ni Ghost na mabubuo ko dito.

            What was in front of me were files of a happy and perfect family. The only flaw that I could see was the son being a bully. At trabaho na dapat ng mga magulang ng batang iyon ang patinuin ang anak nila. Bukod doon, wala na akong makitang kakaiba para kumuha pa sila ng bodyguard para sa bata.

            But then I got another email. Sigurado akong galing kay Ghost dahil encrypted file iyon. Agad kong kinopya at binuksan.

            Apparently, there was an incident that happened three years ago. May attempted kidnapping na naganap. The kid's bodyguard died protecting him. Tiningnan ko ang mga litrato ng crime scene. Definitely it was a hit that gone awry. Hindi siguro akalain na manlalaban ang bodyguard. He died but the kid survived.

            Napahinga ako ng malalim at tiningnan ang nakahandusay na katawan ng lalaking walang buhay. Am I going to end up like this? Am I going to die in the line of duty? Natawa ako sa naisip kong iyon. Duty? At ano na ang duty ko ngayon? Hindi na ako pulis. Tinalikuran ko na ang duty na sinumpaan ko noon. My duty right now was to make this world a safer place by eliminating people who didn't deserve to live at all.

PERFECT LIE (COMPLETE)Where stories live. Discover now