CHAPTER EIGHT (The Clients)

2.2K 168 9
                                    

Sometimes the path seems a bit lonely. That's okay. Keep walking anyway - Katrina Mayer

Meara

Ten years in service. Senior police inspector and solved hundreds of cases. Model police officer.

Then why did he resigned from being a police officer and decided that he wanted to be a bodyguard? It doesn't make sense.

Tinitigan ko ang litrato ni Riel. I heard Perry said those about that man. And while looking at his face I felt I was brought back ten years ago when I first had an encounter with police officers.

Those faces that I couldn't forget. He looked like them. Those men that ruined my life.

Ilang beses ko nang nabasa ang credentials ng bagong bodyguard ni River pero hindi pa rin ako makampante. The fact that he was a police officer was the reason I was very adamant to put the safety of my child to his care.

Napabuga ako ng hangin inis na isinara ang folder. Muli akong humarap sa salamin at tinitigan ang mukha ko. I hated putting so much make up on face. Pakiramdam ko ay hindi na nakakahinga ang balat ko. Pero kailangan ko itong gawin araw-araw. Ayaw kong makita ng mga tao ang katotohanang itinatago ko. Tulad ngayong gabi. Naka-receive ako ng text galing kay Perry na may event kaming pupuntahan. Kung ako ang masusunod ay hindi ako sasama. Ayaw ko. Napapagod na akong humarap sa mga tao at magpanggap na masaya ako sa tabi ng asawa ko. Napapagod na akong ngumiti kahit sa kalooban ko ay araw-araw dinudurog ako.

Tumayo ako at binuksan ang cabinet ng mga damit. Isa-isa akong namimili doon ng isusuot ngayong gabi at napili ko ang isang champagne pink na tube long gown. Kinuha ko iyon at itinapat sa katawan ko. Matagal ko na itong nabili pero hindi ko naman naisusuot. Isa-isa kong hinubad ang damit ko at napalunok nang makita ang sarili kong repleksyon sa salamin.

My body was covered in bruises. Tumagilid ako at tiningnan ang bandang tagiliran dahil malaki ang pasa sa bandang iyon. Bahagya kong pinisil at napa-aray ako sa sakit. Nakuha ko ito nang itulak ako ni Perry at tumama sa kanto ng office table niya. Halos mamilipit ako sa sakit noon at hindi makahinga pero nakatayo lang sa harap ko si Perry. May mga finger marks sa magkabila kong braso na tinatakpan ko lang ng concealer. Hindi na naman nawala ito magmula nang magsama kami ni Perry. Napakaikli kasi ng pasensiya niya at laging ako ang napagbubuntunan niya ng galit.

Siguro kung may makakaalam ng kalagayan ko dito, iisipin nilang ang tanga ko dahil nagtitiis akong gawing punching bag ng asawa ko. Pero hindi ganoon kadali ang makawala sa katulad ni Perry Azaceta. The moment he found me and I decided to live and marry him, that was the start of my hell.

Nagsimula sa simpleng pagsigaw. Lagi niya akong sinisigawan sa maliliit na bagay. Sa tuwing magtatalo kami laging ako ang may kasalanan. Sa tuwing magtatanong ako hindi niya sasagutin ang mga tanong ko. Ang mangyayari magiging kasalanan ko pa. Alam kong may anger issues si Perry. Hirap siyang mag-kontrol ng galit niya at madalas ako ang sumasalo noon. Nag-umpisa sa mga mahihigpit na paghawak. Pagtulak. Hanggang sa maging matitinding pananakit na. Pananampal. Pananabunot. Minsan sinusuntok pa ako. Naranasan ko na rin na tadyakan niya.

Pero iniisip ko na lang pisikal na sakit lang naman iyon. Kaya kong malampasan. Katulad lang iyon ng bangungot na nangyari sa akin noon at nalampasan ko. Mas tumatag ako. Kahit anong pananakit ni Perry ang gawin sa akin, tatanggapin ko na lang. Sabihin na ng mga tao na tanga ako. Dahil hindi ko ito ginagawa para sa sarili ko. Para ito kay River at sa kinabukasan niya.

Napapitlag ako nang tumunog ang telepono ko. Nang tingnan ko ay si Perry ang tumatawag sa akin. Kinuha ko ang telepono at sinagot ang tawag niya.

PERFECT LIE (COMPLETE)Место, где живут истории. Откройте их для себя