CHAPTER SEVEN (The Case)

2.5K 178 26
                                    


We make our own monsters, then fear them for what they show us about ourselves

-------------------------------

Riel

            First and last cases cannot be forgotten.

            Kaya sigurado ako na hindi Almeara Azaceta and pangalan ng asawa ni Perry. I was sure she was the woman that I busted ten years ago. I couldn't forget that case. She was young back then. I busted her because of drugs. And her name was Milana Zaragosa.

            I couldn't forget her face that night. She was scared. She was begging me that she was not a drug pusher. But as a new police officer, I only rely on the evidence. And my evidence for her was strong. Hindi puwedeng magsinungaling ang ilang araw naming surveillance na drug courier siya sa lugar na iyon.

            Pero wala ding nangyari sa kaso na 'yon. Napakatagal na panahon ang ten years. At wala na akong follow-up na nakuha tungkol sa kaso ng babaeng iyon. What happened to her?

             Napasimangot ako nang maisip ko si Varona. Siya ang kasama ko nang mahuli ang babaeng iyon. Sinubukan kong alamin noon at sundan kung ano ang nangyari sa kaso ni Milana Zaragosa pero wala na. Her records were sealed. Kahit na anong gawin ko ay wala na akong makuhang feedback tungkol doon. Ang lahat ng mga pulis na kumuha ng kaso niya ay mga tikom din ang bibig.

            Napahinga ako ng malalim. Noon pa lang talaga may mga kagaguhan nang nagaganap sa mga kasama ko. Pinilit ko lang talaga na maging bulag para hindi makita ang mga iyon.

            Naiwan akong mag-isa dito sa loob ng conference room. Matapos na umalis ang babae ay sumunod naman si Perry. Matagal na akong naghihintay dito at hindi ko alam kung anong gagawin kong susunod. Napatingin ako sa pinto nang may pumasok doon. Ang babaeng sumalubong sa akin kanina. 'Yong Trixie.

            "Hi, Riel. Sorry. Naghintay ka ba ng matagal dito? Nag-uusap kasi si Sir at si Madam. Hinahanap ko din si River para makilala mo na siya," ang ganda-ganda ng ngiti nito sa akin. Napansin kong pasimple pa niyang binuksan ang isa pang butones ng blouse na suot niya para mas lalong bumaba ang pagkakabukas noon at makita ko ang pagkakaipit ng boobs niya. Bahagya pa nga siyang dumukwang sa harap ko kaya mabilis kong iniiba ang tingin. Kahit alam kong nagpi-flirt siya, ayaw ko naman magsamantala.

            Paikot-ikot lang sa loob ng conference room si Trixie pero wala naman siyang ginagawa. Halatang ginagawa lang busy ang sarili para hindi umalis dito. Kung ano-ano ang mga ikinukuwento tungkol sa tagal na niya ditong personal assistant ni Perry. Na masaya siyang amo ang lalaki. Na generous ito sa mga empleyado. Mabait. Puro positive traits ang mga sinasabi nito.

            Parang ayaw ko maniwala.

            Dahil hindi iyon ang nakita ko sa asawa niya.

            I saw the bruises. It was the same pattern like my mother had when she was being beaten by my stepfather.

            "Mabait naman si River. Makulit lang minsan pero mabait na bata naman. I think magkakasundo kayong dalawa."

            Nang tumingin ako kay Trixie ay ang ganda-ganda ng ngiti niya sa akin.

            "Anong nangyari sa dati niyang bodyguard?" Iyon na lang ang naitanong ko.

            Nawala ang ngiti nito sa mukha at napangiwi.

            "Sobrang tragic nga ng nangyari doon. Kay Chuck. Cutie rin naman 'yon and mabait. Tapos sobrang kasundo pa ni River. Kaso nagkaroon ng attempted kidnapping. Alam mo na, rich kid kasi. Iyon nabaril siya and namatay," kita ko ang panghihinayang sa mukha ni Trixie.

PERFECT LIE (COMPLETE)Where stories live. Discover now