CHAPTER THIRTY-EIGHT (Second time around)

2.4K 215 20
                                    



Rewinding time is not possible, but "do-over's are. Sometimes we get another chace to do something right the second time we got wrong the first time .

Meara

            Hanggang ngayon ay masama ang loob ko kay Riel. Nagagalit ako sa kanya bakit ganoon ang ginawa niya sa akin. Sa amin ng anak ko. Kung ayaw naman na niya sa amin puwede naman niyang sabihin ng maayos. Aalis kami. Pero grabe 'yong pinaramdam niya sa akin. Sobrang nasaktan ako.

            Mabilis kong pinahid ang luha ko at tumingin sa pinto nang may kumatok doon. Ang tanging maid na naiwan dito ay ang matagal na nag-alaga kay River. Lahat ng ibang kasambahay dito ay pinaalis ko na pati ang mga bodyguards ni Perry. Hindi ko kayang makasama ang mga iyon. Pinapaalala lang lahat ng nangyari sa akin dito. Pati ang bahay na 'to. Pakiramdam ko naririnig ko pa ang mga sigaw ni Perry. Pakiramdam nandito lang siya sa paligid. Bawat sulok ng bahay na ito ay ipinaalala kung paano ako binaboy at inabuso ng sarili kong asawa.

            Kaya kung puwede nga lang doon na lang kami ni River kay Riel. Sa bahay niya kahit kailan hindi kami nakaramdam ng anak ko ng pagka-asiwa. His house felt like a home. I felt like I have a family. A real one. A nice family with him as my husband.

            Napabuga ako ng hangin at inis na naihilamos ang kamay sa mukha ko.

            Gaga ka, Meara. Kaya 'yan ang nangyayari sa iyo dahil ang bilis-bilis mong magtiwala. Wala pang isang linggong namamatay ang asawa mo tapos nag-iisip ka na agad ng panibagong asawa? Kaya ka nagugulpi.

            Ano ba kasi ang pumapasok sa isip ko? Mabilis kong inialis si Riel sa isip ko. Ayaw na niya sa amin ni River iyon ang katotohanan kaya dapat ko lang din siyang kalimutan na dahil iyon ang gusto niya. Tinungo ko ang pinto at nakita kong nakatayo doon si Manang.

            "Ma'am, nandiyan po si Attorney Suarez."

            "Papasukin mo lang. Nasaan si River?"

            "Nasa kuwarto niya, Ma'am. Ayaw hong kumain. Kanina pa nakakulong doon."

            Napahinga ako ng malalim. "Sige. Patuluyin mo na sa sala si Attorney. Sunod na ako doon."

            Tumango na si Manang at iniwan ako. Bumalik ako sa kuwarto at inayos ang sarili ko. Humarap ako sa salamin at maayos na ang hitsura ko. Hindi mababakas na noong nakaraan lang ay bugbog-sarado ang hitsura ko. Pero kahit nakikita ko nang maayos ang mukha ko at wala na akong mga pasa sa katawan, hindi ko alam kung bakit hindi ako makaramdam ng saya. Bakit ganoon? Bakit mabigat pa rin ang dibdib ko? Wala na si Perry. Wala na ang nananakit sa akin pero hindi pa rin ako masaya. Pakiramdam ko ay may kulang.

            Inayos ko ang sarili ko at pinilit na ngumiti sa repleksyon ko.

            "Okay ka na. Okay na tayo. Nakatiis nga tayo ng mahabang panahon sa pananakit ni Perry. Ngayon wala na siya, magiging okay na tayo. Pipilitin kong maging okay kahit alam kong iba ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito."

            Dahil alam ko sa sarili ko, si Riel na ang dahilan kung bakit hindi ako masaya.

            Napabuga ako ng hangin at lumabas na ako sa kuwarto. Dumeretso ako sa sala at nakita kong naroon si Attorney Suarez at agad na tumayo nang makita ako. May dala pang bulaklak at ibinigay sa akin nang makalapit ako.

            "Thank you, Attorney. Nag-abala ka pa." Pinilit kong ipakita sa kanya na masaya ako sa mga nangyayari sa akin ngayon. Inilagay ko sa isang gilid ang mga bulaklak at naupo. Naupo din siya malapit sa tabi ko.

PERFECT LIE (COMPLETE)Where stories live. Discover now