CHAPTER NINE (Eavesdropping)

2.3K 184 10
                                    

You save your soul by saving someone else's body. - Arthur Hertzberg

Riel

Mrs. Azaceta really hated me.

Well, she was consistent on telling me that she hated my kind. Policemen. I was sure something happened to her ten years ago. Something that involves those policemen that held her case.

But what really happened to her case back then? Talagang naku-curious ako pero mahihirapan na akong kalkalin pa iyon lalo na nga at wala na ako sa serbisyo. Kapag nagpatulong ako kay Tatay Javier, siguradong magtatanong siya. Siguradong pati siya ay makiki-imbestiga.

Malakas kong isinara ang pinto ng sasakyan nang maiparada ko at tumingin sa mga naggagandahang sasakyan na nakaparada doon. The car that I drove was top of the line. As much as I wanted to protest when Mr. Azaceta told me that I had to drive for his wife, I couldn't say no. Walong kotse ang nakaparada sa garahe ng mga Azaceta. Mayroon pang ilan sa labas. Karamihan European cars. There was a Lamborghini. Two BMW's. Maclaren. Porsche. An AUDI. Hindi ko na nakita ang brands noong iba at ito ngang gamit namin na Mercedes Benz. Alam kong bagong model ito na hindi pa nailalabas dito sa Pilipinas.

The Azaceta's was rich. So rich that I knew Ghost found something that was why he had to look at this family. And this event could give me answers to those files that he sent me. Siguradong ang mga imbitado dito ay ang mga business associates ni Perry.

Pumasok ako sa loob at kita ko nga na hindi mga basta-bastang tao ang naroon. May mga nakikilala akong madalas kong mapanood sa TV. May mga politicians. Narito din ang DOH Secretary na madalas ma-interview. I knew this guy was under fire because of corruption but he was all smiles with the people around. Napailing ako. Kahit saan talaga hindi nawawala ang corruption.

Madali naman akong naka-blend in sa mga tao dito. Sinabihan ako ni Perry na magdamit ng maayos at hindi nga daw basta-basta ang event na ito. Malalaking tao ang imbitado. Totoo naman. Itong venue pa lang sigurado na akong daang libo ang halaga. Ang mga sini-serve na mga appetizer ng umiikot na mga servers ay hindi basta-basta. Dumampot ako mula sa tray ng dumaang server sa harap ko. Kinain ko at napatingin pa ako sa kinagat kong pagkain at muling isinubo. Hindi ko alam ang tawag pero masarap. Muli akong dumampot ng isa pa mula sa isang server na naman. Wine na rin para lubos-lubusin ko na.

Nakita ko si Mrs. Azaceta na nasa bar area at mag-isang nakaupo doon. Hinanap ko si Perry at nakita kong nasa kabilang parte ito ng venue at may mga kausap na lalaki. Mukhang hindi naman intindi ang asawa niya. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa at iniisip ko kung lalapitan ko si Mrs. Azaceta. Pero naisip kong huwag na lang. Baka bulyawan lang ako. Pumuwesto na lany ako malapit sa puwesto nila Perry at siniguro kong hindi mapapansin na naroon ako.

"Ganda ng asawa mo, Perry. 'Tangina, jackpot ka d'on."

Tumaas ang kilay ko at tumingin sa gawi ni Mrs. Azaceta. Totoo naman ang sinabi ng kausap ni Perry. Maganda naman talaga ang asawa nito. Pero agad na bumalik ang tingin ko sa grupo nila Perry. Hindi ko kursunada ang tono ng sinasabi ng kausap nito.

"Pipili ba ako ng hindi maganda? Meara is pretty. Pretty much okay in bed too. You should hear her scream in bed." Natatawang sagot ni Perry.

"Shit. Fuck, man. I am sorry. But right now, I am having a fucking hard on just looking at your wife and thinking how she screams in bed."

Tumingin ako sa lalaking nagsabi noon at nakita ko ang lalaki na nakatingin sa gawi ni Mrs. Azaceta. I was expecting Perry to get mad. Punch the guy in the face. But he just laughed. Hitsurang okay lang sa kanya na binabastos ng ganoon ang asawa niya.

PERFECT LIE (COMPLETE)Where stories live. Discover now