CHAPTER THREE (Azaceta Family)

2.8K 199 35
                                    


The past will often attack the present with the pain of your memories - Seiichi Kirima

---------------------------------

Riel

            The house in front me was bigger than a fucking mansion.

            Parang palasyo sa laki. May mga lalaki akong nakitang nakatayo sa labas. Sigurado akong mga bodyguards. Ipinarada ko ang sasakyan ko sa gilid at bumaba. Lumakad ako palapit sa bahay at agad akong sinalubong ng isang nagbabantay doon. Nagpakilala ako at ibinigay ko ang mga dokumentong alam kong kakailanganin nila. Boy Scout masyado si Ghost. Naihanda na niya ang lahat para sa pagpasok ko dito. Sinenyasan ng lalaki ang kasama niya at binuksan nito ang gate para makapasok ako.

            Kung malaki sa labas ang bahay, mas nakakalula ang hitsura nito sa loob. Ang lawak ng garahe na kayang pumuno ng sampung kotse. Nakaparada doon ang iba't-ibang uri ng mamahaling sasakyan. Sa isang gilid ay naroon ang isang Olympic sized swimming pool. Malawak ang garden na napupuno ng magagandang halaman. At sigurado akong hindi biro ang presyo mga halaman na 'yon. Ang nilalakaran ko ay mamahaling frog grass. Ang bahay ay napapalibutan ng salamin. Two-storey mansion that was modern-designed and I was sure this cost millions bukod pa sa mga mamahaling gamit na sigurado akong naka-dekorasyon sa bahay.

            "Riel Alzea?"

            Lumingon ako sa tumawag sa akin at babae iyon. Sino kaya ang isang ito? Ngumiti siya sa akin at inilahad ang kamay.

            "Hi. I am Trixie Miranda. I am Mr. Peregrine Azaceta's assistant. This way please." Nagpatiuna siya sa akin at sinenyasan niya akong sumunod. Pumasok kami sa loob ng bahay at tinitingnan ko ang paligid. Maraming paintings ng mga sikat na artist na hindi ko naman maintindihan ang tema. Ganito yata talaga ang trip ng mga mayayaman. Walang pakialam mag-ubos ng pera sa mga mamahaling art works kahit parang isinaboy na pintura lang ang nakakabit sa dingding nila.

            Isang silid ang pinuntahan namin. Binuksan ng kasama ko ang pinto at naunang pumasok doon. Binuksan nito ang aircon sa silid at sinenyasan akong maupo.

            "The family will be here in a while. Do you want anything? Coffee? Juice?" Ang ganda ng ngiti niya sa akin at halatang ipinapakita niya ang dimple na nasa kaliwang pisngi niya.

            "No, thank you. I am fine." Nakangiti din ako sa kanya.

            Lalong lumapad ang ngiti niya sa akin at tumikhim.

            "I hope River will like you. Actually, I've seen your file already and I can say among those bodyguards that worked here, you are the most competent based on your credentials. And..." ibinitin pa nito ang sasabihin at lalong tumamis ang ngiti sa kanya. "You are the cutest too."

            Natawa ako at napailing. And she was flirting. Kahit ilang buwan na akong diyeta sa babae, wala akong panahon na patulan ang panghaharot niya. Huwag na muna. Sa dami ng mga ginawa namin ni Ghost, sa dami ng mga itinuro sa akin ng isang iyon, parang wala akong interes sa mga bagay na katulad ng ginagawa niya. Sa ngayon, mas focused akong ma-meet ng personal si Perry Azaceta at ang pamilya niya.

            Halatang hinihintay niyang sumagot ako pero nakangiti lang ako sa kanya. Unti-unti ay nagiging pilit ang pagngiti niya sa akin. Hitsurang napapahiya.

            "All right. I'll see you around," lumakad na siya at tinungo ang pinto tapos ay kumaway sa akin.

            Napapailing na lang ako at muli ay iginagala ko ang tingin sa buong paligid. Sigurado akong conference room itong pinasukan ko. Malamang kung tinatamad lumabas si Perry, dito na niya ginagawa ang mga meetings niya. Billionaires could always get and do what they want.

PERFECT LIE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon