CHAPTER TWELVE (Punch)

1.9K 175 17
                                    

Heroes are ordinary people who make themselves extraordinary

——————-

Riel

            Gago.

            Napakagago ko.

            Paulit-ulit kong minumura ang sarili ko habang sinusundan ng tingin si Meara. Alam kong nagalit siya sa mga sinabi ko pero hindi ko mapigil na hindi sabihin iyon. I hated to see a woman being abused by their husband. Si Ghost ang gusto kong murahin dahil dito. Alam naman ng matandang iyon ang nangyari sa nanay ko kaya bakit pa niya ibinigay sa akin ang case na ito? Kahit na ba si Perry lang ang dapat kong manmanan. Kung araw-araw ko naman na nakikita si Meara na gulpi-sarado dahil sa kagagawan ng asawa niya. Bumabalik lang ang lahat ng mga nakita ko noon na nangyari sa nanay ko. Every day, I would see my mother being beaten kaya madali akong ma-trigger kapag nakakita ako ng babaeng sinasaktan.

            Painis akong bumalik sa sasakyan at nag-drive paalis doon. Kailangan kong bumalik sa eskuwelahan ni River para sunduin ito. Sigurado na rin naman akong pagkauwi ko mamaya, sisisantehin na ako ni Perry. Siguradong magsusumbong dito si Meara. At siguradong mayayari naman ako kay Ghost.

            Nanatili lang ako sa loob ng kotse habang hinihintay na lumabas sa school si River. Habang naghihintay ay sinusubukan kong tawagan si Ghost pero as usual hindi na naman sumasagot. Nag-browse na lang ako ng mga emails na galing sa kanya. Muli kong binuksan ang mga litrato na padala niya tungkol sa human organ smuggling. May kinalaman nga kaya si Perry dito? Naalala ko kagabi na may pinag-uusapan ito kasama ang mga kaibigan na nambabastos kay Meara. May pinag-uusapan sila tungkol sa isang experience. What could that be?

            Ni-research ko ang ospital na pagmamay-ari ni Perry. Sikat talaga. Mga kilalang doctor ang affiliated doon. Hindi ko maisip na sisirain ni Perry ang magandang reputasyon ng ospital niya para lang sa human organ smuggling. Although he could have an access, but no one in their right mind would do something like that. Bilyonaryo na si Perry. Hindi na niya kailangan pang gumawa ng ganoong mga illegal na gawa.

            Napahinga ako ng malalim. Mas dapat ko ngang pagduduhan ang mayayaman na ito. Ilang kaso na ba ang nahawakan ko na mayayamang tao ang involved? Those rich people who had sick fantasies that they do to their victims. Hindi ko na mabilang. Natatakasan lang ang mga kaso dahil nga sa mayaman at may malalaking taong kilala na nasa puwesto.

            Ang daming articles tungkol sa ospital ni Perry. Karamihan ay puro magagandang feedback. Marami ding mga litrato ng mga doctor na nagta-trabaho doon. May litrato din na kasama ang pamilya ni Perry.

            Nilakihan ko ang litrato ng pamilya ni Perry at tiningnan iyon. Nakangiti si Perry. Ganoon din naman si Meara pero halatang pilit. Si River, seryosong-seryoso ang mukha. Halatang napilitan lang. Tinitigan kong maigi ang mukha ng bata tapos ay si Perry. Anak nga kaya ni Perry si River? Ang layo ng hitsura ng dalawa. Si Meara ang kamukhang-kamukha ni River.

            Sinubukan kong i-access ang files ko noon sa presinto. Mahina lang akong napamura dahil naka-block na ako doon. What would I expect? I went AWOL from the service. My used to be co-workers were mad at me because I abandoned them. Natawa ako. Abandoned? I didn't abandon them. I just learned the truth and I chose side. My side.

            Binuksan ko ang contacts sa telepono ko at hinanap ko ang number ni Vic. Kahit galit ako sa gagong iyon dahil sa ginawa niya noon na pakikipag-connive kay Jorge Baldomero, kailangan ko siya ngayon. Na-transfer siya sa ibang unit dahil sa kagagawan ko pero siya na lang ang natitirang pag-asa ko para mabuksan ko ang case ni Meara noon.

PERFECT LIE (COMPLETE)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu