CHAPTER TWENTY-THREE (Fired)

1.9K 177 28
                                    


Anger is a punishment we give to ourselves for somebody else's mistake.

Riel

            "Yes, Sir. I am so sorry for the short notice. Importante lang kasi talaga ang personal kong gagawin."

            Paulit-ulit ang tanong sa akin ni Perry Azaceta kung bakit kailangan kong mag-resign bilang bodyguard ni River.

            "Biglaan? Suweldo ba ang dahilan?" Alam kong naiinis ang kausap ko.

            "Hindi, Sir. Personal lang ho talaga." Pagsisinungaling ko.

            "Damn it. I knew it. Siguradong dahil sa batang iyon. Wala talagang tumatagal na bodyguard sa gagong iyon."

            "Hindi si River. Kahit kailangan hindi siya magiging dahilan para umalis ako. Mabait na bata iyon. Hindi 'nyo lang siya maintindihan," pinigil ko na ang iba pang gusto kong sabihin sa kanya. Baka mamura lang ako nito kapag sinabi kong siya ang dahilan kung bakit ganoon si River.

            "Whatever. Thanks for your short stay with us." Pagkasabi noon ay pinatayan na niya ako ng call. Halatang napikon nga sa sinabi ko.

Pabagsak akong napaupo sa sofa at napatingin sa usb at spy cam na ibinato sa akin ni Meara kanina. Tumunog ang telepono ko at pangalan ni River ang nag-register doon. Kanina pa nga ito tumatawag sa akin bago ko pa tawagan si Perry. Walang tigil ang tawag tapos panay pa ang send ng text. Tanong nang tanong kung anong oras ako babalik doon.

            Dinampot ko ang telepono ko at tinitigan lang ang pangalan ni River na lumalabas sa screen. Natapos ang tawag at ngayon ay text na naman niya ang na-receive ko.

            Kuya Riel, what time are you coming back?

            Kuya Riel, why are you not answering your phone? I am here in your room. I am waiting for you.

            Kuya Riel, I have something for you. This is a surprise. Please come home.

            Sunod-sunod ang text ni River kaya inis kong ibinato ang telepono sa sofa. Naisuklay ko pa ang mga kamay ko sa buhok ko at napayuko. 'Tangina, paano ko ba ipapaliwanag sa bata na tinanggal na ako sa trabaho ng nanay niya? Paano ko sasabihin na kahit kailan ay hindi na kami puwedeng magkita?

            Muli ay tumunog ang telepono ko at si River na naman ang tumatawag. Napilitan na akong sagutin iyon at damang-dama ko ang excitement kahalo na ang pag-aalala sa boses niya nang sagutin ko ang tawag niya.

            "Kuya! Finally, you answered. What time are you coming home?"

            Napahinga lang ako ng malalim at napailing.

            "I have something for you. You know I have this Lego blocks that I wanted to build but I can't do it, and I think with your help we could do it together." Excited na sabi niya.

            Napabuga ako ng hangin at marahang hinilot ang magkabilang sentido.

            "River, something happened and..." napatikhim ako at muling bumuga ng hangin. "I can't go back there anymore."

            Hindi agad nakasagot ang bata sa sinabi ko. Naririnig ko lang ang mabilis nitong paghinga.

            "River..."

            "What do you mean you cannot go back? You said you'll come back. Why? What happened?" Pati ang puso ko ay parang nadudurog sa naiiyak na boses niya.

PERFECT LIE (COMPLETE)Where stories live. Discover now