CHAPTER SIX (Present Time)

2.4K 177 25
                                    

Family is supposed to be our safe haven. Very often, it's the place where we find the deepest heartache. - Iyanla Vanzant

------------------------------------

Meara

            Inis na inis ako habang naglalakad pabalik sa kuwarto.

            Kung may mga tao man akong kinasusuklaman, iyon ay ang mga pulis. Lahat sila ay mga demonyo. Masasamang tao. Wala silang iniisip kundi ang mga sarili nila. Masyado silang abusado sa kung anong kapangyarihan mayroon sila. Nagkaroon lang ng nga baril akala ng mga iyon kaya na nilang maghari-harian sa lahat.

            Kaya talagang nanginginig ako sa galit nang malaman kong pulis ang magiging bagong bodyguard ni River. Kahit na ba sinasabi ni Perry na wala na iyon sa serbisyo, katulad pa rin ang lalaking iyon ng mga pulis na nakilala ko.

            Abusado. Walanghiya. Mga demonyo.

            Mga pulis na sumira sa buhay ko.

            Napapikit ako at ilang beses akong huminga ng malalim. No. I already forgot about the past. That was ten years ago. I am way past that. I am okay. I am good. I won't let that dark past to haunt me again.

            The woman experienced that nightmare was long gone. Just looking at myself in front of the mirror, I couldn't see the woman that was helpless. Beaten and ruined. Right in front of me was Almeara Azaceta. Wife of the billionaire Peregrine Azaceta. I am living like a queen in our mansion. I could get all I wanted. I am happy and contented.

            Napapipikit-pikit ako habang nakatingin sa sarili ko sa salamin.

            Am I? Am I really happy? Am I really contented?

            Napalingon ako sa pinto nang biglang bumukas iyon at ang dilim-dilim ng anyo ni Perry na nakatingin sa akin. Napalunok ako at kinakabahang nakatingin sa kanya.

            "You bitch. You really have to act like that in front of someone?" Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

            "Y-you know I don't like police people. Alam mong-"

            Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang halos iilang hakbang lang niya ang paglapit sa akin at sinampal ako ng malakas. Pakiramdam ko ay nabingi ako sa lakas ng pagkakasampal niya tapos ay mariing hinawakan ang mukha ko.

            "You don't have any right to defy what I want. At sa harap pa ng lalaking iyon babastusin mo ako? Kailangan ka pa natutong bastusin ako?!" Napapikit ako sa diin ng pagkakahawak niya sa pisngi ko.

            "P-Perry, nasasaktan ako." Pilit kong inaalis ang kamay niyang nakahawak sa mukha ko. Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

            "You know my rules. I will give everything for you and your fucking kid but you cannot say no to anything I want. To anything I do. Hindi ka pa ba magpasalamat at iniintindi ko ang anak mo? Pinag-uubusan ko ng pera para magkaroon ng bodyguard. Ipinalangin mo na mapatino ang gago mong anak ng bago niyang yayo. Because this is the last time that I am going to waste my money for him."

            Napaaray ako nang pabigla niya akong bitiwan at itinulak pa kaya bumunggo ako sa drawer na naroon. Marahan kong hinilot-hilot ang pisngi ko at nanatiling nakatingin sa kanya. 

            Pailing-iling si Perry at ilang beses na bumuga ng hangin. Ngayon ay unti-unti na itong kumakalma tapos ay tumingin sa akin. Wala na ang bangis ng tingin niya. Wala na ang galit sa mukha. Ngayon ay nakangiti na siya tapos ay sinenyasan akong lumapit sa kanya.

PERFECT LIE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon