CHAPTER FORTY-FIVE (Address)

2.1K 178 20
                                    


Deep down you already know the truth. You just have to learn to accept it.

Riel

Pigil ko ang hininga ko habang nagmamaneho at patungo sa address na ibinigay ni Ghost. Hindi ko alam kung kaninong address ito pero kung sinasabi niyang dito ko matatagpuan ang sagot kung nasaan si Meara, kahit dulo ng mundo 'to ay pupuntahan ko. Parteng Cavite na iyon. Pasikot-sikot ang daan. Kahit hindi ko kabisado ang daan dito, tutuntunin ko talaga kung ano ang matatagpuan ko sa address na ito.

Sa isang malaking bahay ako napadpad. Paulit-ulit kong tinitingnan ang address na ibinigay ni Ghost at ang number sa nasa harapan kong bahay. Tama naman. Bumaba ako at nanatiling nakatingin doon. May mga cctv sa palibot ng bahay kaya mabilis akong umiwas sa kung saan makikita ako doon. Sumilip ako sa bahay. Kanino kaya ito?

Tumingin ako sa paligid. Walang masyadong tao doon. Naglakad-lakad ako at sa bandang dulo ng kalye ay may nakita akong tindahan. Nagpunta ako doon at bumili ng sigarilyo. Nagsimulang magtanong-tanong sa may-edad na tinderang naroon.

"Manang, naliligaw kasi ako. May hinahanap akong bahay. Ito ang address." Sinabi ko ang address na ibinigay ni Ghost.

Tiningnan naman nito ang address na ipinakita at nakita kong agad na nagliwanag ang mukha.

"Iho, lumampas ka na. Lumakad ka pa at may makikita kang bahay. Iyong parang mansion. Iyon ang address na nandiyan."

Napatango-tango ako. "May idedeliver kasi ako sa nakatira dito. Kilala n'yo ho ba kung sino ang nakatira?"

Napakamot ng ulo ang tindera. "Naku, iho. Pasensiya ka na. Hindi naman kasi ako lumalabas dito sa tindahan kaya hindi ko rin kilala ang nakatira doon. Pero naririnig ko sa mga nag-iinuman dito na retiradong pulis daw ang nakatira sa address na iyan."

Napalunok ako at muling tumingin sa bahay. Nagpasalamat ako sa tindera at lumakad na pabalik sa bahay na iyon. Umikot-ikot pa ako para masigurong walang taong makakakita sa akin at nang makakuha ng pagkakataon ay mabilis akong sumampa sa gate at pumasok sa loob.

Malaki ang buong bahay. Mukhang mayaman ang nakatira. Umikot ako sa paligid at sumisilip sa loob ng bahay. Parang wala namang tao. Tumitingin ako sa paligid at umiiwas talaga ako na mahagip ako sa cctv cameras. Umakyat ako sa may veranda dahil iyon ang nakita kong pinaka-madaling daan para makapasok sa loob. Nang pihitin ko doorknob sa pinto doon ay napangiti ako.

Hindi naka-lock.

Tuloy-tuloy ko iyong binuksan at pumasok. Kanino kayang bahay 'to? Kung tatawagan ko naman si Ghost at tanungin kung kanino ito ay siguradong hindi iyon sasagot. Ghost was like this. He loved to leave crumbs. He loved people to attach puzzle pieces. He loved to play with people's minds. And in the end, there was some deep dark secrets to be unearthed.

What will I find here? Will it be about Meara? Napahinga ako ng malalim. Sigurado ako. Alam kong alam na ni Ghost noon pa man kung ano ang kaugnayan ni Meara sa buhay ko. Pinabayaan lang niyang ako mismo ang makadiskubre noon.

Sigurado ako kung sinabi ko naman kay Ghost na ayaw kong malaman, at nag-request ako ng ibang case puwede naman. Hindi siguro ako malulong ganito kay Meara. I cannot get of this pit anymore. I am drowning on her. I am deep in this hole and only the truth can help me climb up.

Dahan-dahan akong lumakad papasok sa bahay. Nakapasok ako sa isang kuwarto at napakunot ang noo ko nang makita ko ang portrait ng isang pulis na nakasabit doon.

Si Chief Magtanggol ba ito?

Lalo pa akong lumapit sa portrait para masiguro ko kung tama ba ang nakikita ko. Shit. Si Chief nga. Muli akong luminga sa paligid at nagtingin sa ibang mga photo frames na napatong. Naroon din si chief.

PERFECT LIE (COMPLETE)Where stories live. Discover now