CHAPTER TWENTY (Suicide)

2K 171 15
                                    


Everyone is like a moon, and has dark side which he never shows to anybody. - Mark Twain

----------------------

Meara

Damn headache.

Ayaw ko pa sanang bumangon sa kama pero walang tigil ang katutunog ng telepono ko. Kahit groggy pa ay pinilit kong bumangon at hinanap iyon. Nang makuha ko ay tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Si Perry.

"Tulog ka pa rin? Gumising ka na diyan!" Iyon agad ang bungad niya.

"Perry? Where are you?" Disoriented pa rin ako. Ano na nga ba ang nangyari? Nalasing ako ng sobra kagabi dahil sa wine na nainom ko tapos sinabayan ko pa ng sleeping pill.

"Mag-check out na kayo ngayon. Umuwi na kayo."

"What?" Napabangon na ako sa narinig na sinabi niya. "Akala ko ba three days and two nights tayo dito? Hindi pa nakakapag-enjoy si River. Saka nasaan ka ba?"

"Nauna na akong bumalik dito sa Manila. May emergency. Umuwi na kayo," bago pa ako makasagot kay Perry ay pinatayan na niya ako ng call.

Tumitingin ako sa paligid at napahinga ng malalim. Marahan ko pang hinilot ang ulo ko at pinilit na tumayo mula sa kama. Deretso ako sa banyo at humarap sa salamin. Napangiwi ako nang makita ko ang hitsura ko. As usual, I looked like a mess. Magugulat pa ba ako sa makikitang hitsura ko sa salamin? Pinagbuhatan ako ng kamay kagabi ni Perry kaya natural marami na namang puro pasa ang mukha ko. Tiningnan ko ang leeg ko at nagsisimula nang makita lalo ang bakas ng kamay niya doon. Napailing na lang ako at dumeretso sa shower at naligo. Maiintindihan naman ni River kung kailangan na naming umuwi agad. Siguradong mag-aaway na naman kami ni Perry kung hindi ko susundin ang gusto ng asawa ko. Nang matapos ay agad akong nagbihis at pinagtuunan ko ng pansin na takpan ng concealer ang mga pasa ko sa mukha. Ayaw kong makita ni River na ganito ang hitsura ko. Ayaw kong masira ang mood niya dahil malalaman niyang sinaktan ako ni Perry. Ang saya-saya pa naman ng anak ko kahapon. Ngayon ko na lang ulit siya nakitang humahalakhak at talagang kitang-kita ko na masaya siya na kasama si Riel.

Nawala ang ngiti ko sa labi nang maalala ko ang mga pinag-usapan namin ni Riel. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko tungkol sa kanya. Nakaramdam ako ng awa dahil siguradong masakit ang nangyari sa kanya. Nagawa nga niyang patayin ang taong nananakit sa nanay niya pero hindi rin niya nailigtas. Kaya siguro siya ganoon na lang kay River. Kaya siguro talagang iniintindi niya ang anak ko. Alam niya kasi na pareho sila ng pinagdadaanan. Ang kaibahan nga lang, alam ko na hindi magagawang saktan ni River ang kinalakihan niyang ama.

Nang matapos ako ay kumatok ako sa pinto ng silid ni River. Bumukas iyon at si Riel ang nagbukas sa akin. Tipid siyang ngumiti at bumati ng good morning. Ang anak ko ay kumakain ng almusal at nanonood ng TV.

"Good morning, baby." Bati ko at lumapit kay River. Humalik pa ako sa noo niya at tiningnan kung ano ang kinakain niya. "What's your breakfast?"
"Kuya Riel ordered pancakes for me. With bacon and sausage." Nakita kong dinampot ni River ang baso ng gatas at tuloy-tuloy iyong ininom. Napakunot ang noo ko. Ayaw na ayaw uminom ng gatas ng anak ko. Nag-aaway pa kami nito para lang ubusin niya ang gatas na iginagawa para sa kanya. Pero ngayon, talagang ubos ang laman ng baso.

"From now on Mom, I am going to finish my food and I am going to drink my milk. It tastes good," nakangiti pang sabi niya.

Pasimple akong tumingin sa gawi ni Riel at tahimik lang itong nag-aayos ng mga gamit niya.

PERFECT LIE (COMPLETE)Where stories live. Discover now