CHAPTER TWENTY-SEVEN (Press Con)

2K 182 36
                                    


Don't melt on the crocodile tears because mostly they are the reasons of tsunamis in your life - Jahnavi Rajan

-------------------------

Riel

            "Are you ready?"

            Nakita kong umayos nang upo si Meara sa kama at tumango sa akin.

            "Are you sure? Can you do this? We can do this some other time if you are not yet ready."

            Napahinga siya ng malalim at muling tumango. "Kaya ko." Pinilit na ngumiti sa akin at alam kong kinakaya lang niyang maging matatag ngayong mga oras na ito. Napapangiwi pa siya habang pinipilit na gumalaw.

            Hindi na lang ako kumibo at dinampot ko ang camera at iniayos ang adjustment noon. I've seen scenes like this in the police department before. Kapag may mga kinukuhanang mug shots ng mga criminal. Kapag kumukha ng crime scene photos. Kapag kumukuha ng mga litrato ng mga biktima para sa ebidensiya. At sanay na ako sa ganoon. Sanay akong makakita ng mga duguang tao. Nang mga naagnas na bangkay. Sanay akong makakita ng mga pinapahirapang mga tao dahil ginagawa ko din iyon.  Pero ngayon, hindi ko magawang maiayos ng tama ang camera na hawak ko. Hindi ako maka-focus dahil sa totoo lang nanginginig ang mga kamay ko. Sa galit sa nakikita kong nangyari kay Meara.

            Hindi na sana umabot sa ganito kung noong una pa lang ay nilayasan na niya ang asawa niya. Unang beses pa lang siyang pinagbuhatan ng kamay ay lumayo na siya. Tumakas na kasama ang anak niya. Pero dumating pa sa puntong ganito na halos hindi na siya makilala dahil sa tindi ng bugbog niya. Hindi ko naman siya masisisi. Kung wala naman talaga siyang matatakbuhan at mahihingan ng tulong. Just like my mother. Napahigpit ang hawak ko sa camera nang maisip ko si Perry. Kung kaharap ko ngayon ang gagong iyon, gugulpihin ko talaga siya ng todo. Pahihirapan ko hanggang magmakaawa siya sa akin at magsisi sa mga ginawa niya kay Meara. At kahit paulit-ulit siyang magsisi, humingi ng tawad, hindi ako titigil na saktan siya at pahirapan. He deserved more than that. He deserved more pain. He deserved to be beaten until all he could ask from me was to kill him.

            Gago ang mga lalaking nanakit ng babae. Mga walang bayag. Mga duwag. Nagtatago sa mga kamao nilang kayang manakit ng mga babaeng walang kalaban-laban. No man should ever lay a finger on a woman. Kahit masama ang babae, kahit may ginawang hindi tama o hindi nagustuhan, hindi kailanman naging solusyon ang pananakit. Men who chose violence to dominate their women wanted control. Excitement. They think it was their right especially if the women cannot fight back. They became addicted to their new found power. They wanted to be feared and become invincible. They wanted to let the women know that they have the right to control their lives.

            "Okay na ba ang ganito?" Nakaupo sa kama si Meara at nakatingin sa akin.

            Tumango ako. "Just stay still. If you feel that you are no longer comfortable, we will stop. Kailangan lang kasing lahat ng sugat mo, pasa sa buong katawan mo ay makuhanan ng litrato for documentation. At kakailanganin mo iyon sa pagsasampa ng kaso against kay Perry."

            Pilit siyang ngumiti. "Just do it."

            Hindi na ako kumibo at pumuwesto malapit sa kanya. Itinapat ko ang camera sa mukha niya at kinunan ng litrato ang buong mukha niya. Ang bawat parte na may pasa. Ang gilid ng mukha niya na may mga tahi. Ang paligid ng mga mata niyang nangingitim at namamaga. Ang mga labi niyang may mga tahi din. Lahat iyon ay kinunan ko ng litrato. Kailangan naka-dokumento ang lahat.

            "Tatanggalin ko ang plaster sa ilong mo. Okay lang?" Paalam ko sa kanya.

            "I can do it." Dahan-dahang inalis ni Meara ang plaster noon at napatiim-bagang na lang ako. Her nose was broken. I am sure this could take months to heal and look back to normal.

PERFECT LIE (COMPLETE)Where stories live. Discover now