CHAPTER THIRTY-FOUR (Night Encounter)

2.4K 205 60
                                    


Half of life is messing up. The other half is dealing with it.

Riel

             I had to clear my head.

            Two days akong hindi umuwi para makapag-isip-isip. Isa pa, ako na rin ang nag-asikaso ng cremation ni Vic. Wala na siyang pamilya kaya wala na ring mag-aasikaso pa sa kanya. Investigation was now rolling about his death. According to reports, it was a robbery gone wrong. May mga nawawala daw sa gamit ni Vic pero sigurado ako na hindi pagnanakaw ang motibo sa pagkamatay ng kaibigan ko. Definitely, it was a hit. He was silenced because he knew something about what happened to Meara. And those people involved wanted to cover up whatever he had learned about what happened to her.

            I could still remember the last time we had a talk. I knew he was telling the truth. Nagpakagago man si Vic at nagpaalipin sa pera, pero nang sabihin niyang may alam siya sa nangyari ay sigurado akong totoo ang sinasabi niya. Lalo na nang sabihin niyang kilala ko ang nang-rape kay Meara.

            But who could it be? Agad kong naisip si Chief Magtanggol. Siya kaya? Pero malabo kasi hindi naman siya na-promote n'ong time na 'yon: At saan ko hahanapin si Chief Magtanggol ngayon? Wala akong lead kung nasaan na siya magmula nang mag-retire. He went off the grid. And people who do that has something to hide.

            Kanina pa ako nakaupo lang dito sa sasakyan at nakatingin sa bahay ko. Tiningnan ko din ang telepono ko at binabasa ang mga messages ni River. Ang dami. Sunod-sunod ang mga text messages na nagtatanong kung nasaan ako na ang sagot ko lang naman ay may ginagawa akong importante. May mga missed calls pa na hindi ko sinasagot. Pero ang totoo, nahihiya ako sa kanya dahil sa nagawa ko sa nanay niya. Mahina akong napamura. Tangina kasi. Bakit ko hinalikan si Meara?

            Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko at napabuga ng hangin. Pero kailangan kong umuwi. Kailangan kong harapin kung ano man ang nagawa ko. Magpapaliwanag ako kay Meara na nabigla lang ako kaya ko nagawa iyon. At...

            Wait.

            Napakunot ang noo ko nang bumukas ang gate ng bahay ko at lumalabas doon si Eli. Tumingin ako sa relo ko at pasado alas-nuebe na ng gabi. Gabi na, ah. Anong ginagawa ng tarantadong abogadong ito dito?

            Seryosong nag-uusap si Meara at si Eli. Napakuyom ang kamay ko nang makita kong hinawakan pa ni Eli sa kamay si Meara tapos ay marahang tinatapik-tapik sa balikat. Putangina. May ganito bang abogado? Bakit masyadong touchy? Hindi na galawang professional ang ginagawa ng gagong iyon. Agad kong tinawagan si Ghost pero hindi sinasagot ang tawag ko. Dapat malaman niya kung ano ang katarantaduhang ginagawa ng ipinagmamalaki niyang abogado. Sinasamantala ang pagiging vulnerable ni Meara. At gabing-gabi na nandito pa. Tapos na ang office hours para magdiskusyon sila tungkol sa kaso.

            Nakita kong tumatango-tango pa si Meara habang nakikinig sa kung anong sinasabi ni Eli. Napaangat ako sa kinauupuan ko nang makita kong hinaplos pa ni Eli ang mukha ni Meara. Nangigigil na ako sa inis at gusto ko nang bumaba sa sasakyan ko at sugurin ang lalaking iyon. Kumaway pa ito habang palayo at patungo sa sasakyan. Ang sama ng tingin ko dito at gusto kong banggain ang sasakyan niya.

            Pakiramdam ko ay nagdidilim ang paningin ko habang nakatingin sa papaalis na sasakyan ni Eli. Pilit kong kinalma ang sarili ko at nang makalayo na ang sasakyan ni Eli ay saka ako bumaba. Hindi ako sa harap ng bahay dumaan at umikot ako sa likod. Hindi pa naka-lock ang pinto doon. Sumilip ako at nakita ko si Meara na nagliligpit ng mesa. Ibang klase din ang animal. Mukhang nakikain na naman dito.

            Noon ako pumasok at nakita kong nagulat si Meara nang makita ako.

            "R-riel," bulalas niya at napahawak pa sa dibdib niya.

PERFECT LIE (COMPLETE)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant