CHAPTER ELEVEN (Coffee)

2K 173 14
                                    

Don't ever abuse a kind heart, you may never be offered one again.

————————

Meara

Damn headache.

Pakiramdam ko ay binibiyak ang ulo ko at ayaw ko pa talagang imulat ang mata. Pero alam kong umaga na at kailangan kong bumangon. Marahan akong gumalaw at sapo ang ulo na naupo sa kama. Ngayon ako nagsisisi at ang dami kong ininom kagabi. Lagi-lagi na lang ganito ang nangyayari pero hindi pa rin ako nadadala.

Hinding-hindi ako madadala. Hinding-hindi ko hihindian ang pag-inom. Dahil kapag nalalasing ako, nakakalimutan ko ang lahat. Nawawala ang mga alalahanin ko. Ang mga takot ko. Ang mga problema ko.

Tuluyan na akong tumayo sa kama at napatingin sa sarili. What the hell happened last night? Hindi ko na maalala kung paano ako nakauwi. Humarap ako sa salamin at noon ko nakita ang hitsura ko. Ako ang nahiya sa sarili ko. I was a mess. My hair. My face. My dress. My whole me was a mess. Dali-dali akong nagtungo sa banyo at naligo. Talagang kinuskos ko ang sarili ko. Nang matapos ay agad akong nag-ayos. Nagbihis ng maganda. Nag-make up para maitago ang mga pasa ko. Pinilit kong maging normal na para bang hindi pumipintig ang ulo ko sa sakit.

Lumabas ako sa silid at dumeretso ako sa kusina. Naabutan kong kumakain na doon si River at inaasikaso ng yaya niya. Lumapit ako sa anak ko at hinalikan siya sa pisngi pero seryoso lang itong nakaharap sa pagkain.

"Good morning, baby." Bakit ko sa kanya tapos ay naupo sa harap niya. "Are you ready for school?"

"You're drunk last night, mom." Iyon ang sagot niya at nanatiling nakatingin sa pagkain niya.

Nakaramdam ako ng pagkapahiya at napatingin sa yaya niya na ngayon ay parang nahihiyang nagbawi ng tingin mula sa akin. Dali-dali itong lumabas para iwan kami ng anak ko.

"I was not drunk last night, baby. Just a few drinks because I was with your father's visitors." Pagsisinungaling ko. Hindi ko na nga maalala ang nangyari kagabi. Ni hindi ko na alam kung paano ako nakauwi o kung umuwi din ba si Perry kagabi.

Tumingin siya sa akin. "You were asleep. Riel brought you to your room."

Napaawang ang bibig ko. Si Riel? Ang lalaking iyon?

"What?" Paniniguro ko. Paanong magiging si Riel ang magdadala sa akin? The last thing I remember last night, I was at the bar area and waiting for my husband to bring me home. Hindi ko maalala na nagkita pa kami ni Riel kagabi.

"I saw him looking at you inside your room. You were sleeping," tanging sagot niya tapos ay inilayo ang plato at tumayo. "Bye, Mom. I am going to school." Seryosong sabi niya at lumakad na palabas doon.

"River," tawag ko at tumayo na din para sundan siya. "River. Baby. I am going with you." Habol ko siya hanggang sa garahe. Nakasunod din sa kanya ang yaya niya na bitbit ang mga gamit.

Nagtataka siyang tumingin sa akin dahil bakit ako sasama sa kanya. "I am fine by myself, Mom."

Noon ko nakitang nakatayo malapit sa sasakyan na gagamiting panghatid kay River si Riel at binuksan nito ang pinto sa likod ng sasakyan. Hindi umimik si River at sumakay lang ito. Akma nang isasara ni Riel ang pinto pero pinigilan ko.

"I am going with my son." Isinenyas ko sa yaya na kunin ang gamit ko at sumakay din ako sa sasakyan at tumabi sa anak ko.

Halatang nagulat si Riel sa sinabi ko pero hindi ito kumibo. Nang makasakay ako ay sumakay siya sa driver's seat at nag-drive paalis doon. Nakakabinging katahimikan ang namagitan sa aming tatlo. Si River ay tahimik lang na nakatutok ang atensyon sa cellphone niya habang may nakapasak na earphones sa tainga. Si Riel ay nakatutok naman ang tingin sa kalsada. Ako?

PERFECT LIE (COMPLETE)Where stories live. Discover now