CHAPTER THIRTY-FIVE (Donor)

2.5K 205 93
                                    

Mouths can lie, eyes cannot. People may forget, karma will not.

----------------------------

Perry

            Hindi mawala ang ngiti ko sa labi habang papunta ako ng ospital. It was always good doing business with Greg Laxamana. He was providing me intelligence reports about how the police were monitoring the black market for human organ selling. Although I have people who can do that, Greg was good at his job. He got the right connections and people that could help me to conceal my work.

            Just like I said. Money talks. And when my money talks, everybody listens. Walang palya iyon. Kahit kailan hindi pa ako sumablay kapag ginamit ko na ang pera ko. Even a saint couldn't reject my offer once I used my money.

            Dinukot ko ang telepono ko at tiningnan sa photo gallery ang mga litrato ni Meara. Naroon din ang ilang mga video na kuha mula doon sa spy cam na inilagay ko sa kuwarto namin. Damn this woman. Si Riel pala ang dahilan kaya nagkaroon ng lakas ng loob ang babaeng iyon para takasan ako. Hindi naman kasi makakapag-isip si Meara na tumakas kung walang nagbigay ng idea sa babaeng iyon. Katulad nang ginawa noon ni Chuck. Tarantadong bakla. Kaya ko nga ipinapatay ang isang iyon dahil alam kong magagawan na niya ng paraan na makatakas si Meara sa akin. The attempted kidnapping of River that I orchestrated and made sure that Chuck would be the sole casualty of that fake abduction.

            Dahil sa akin lang si Meara. Basura man ang babaeng iyon, ako ang magsasabi kung kailan ko siya dapat itapon at hindi pa ngayon ang panahon na iyon. Malaking sampal sa pagkalalaki ko ang ginawa niyang pagtakas sa akin. Napipikon ako doon. I owned her. Her life depends on me.

            And now that I got the only person that she thought could help her, she didn't have a choice but to go back with me. Napangiti pa ako at ibinulsa ang telepono ko. Tiningnan ko pa ang mga kamay ko at lalo lang akong natuwa. These hands that could easily take any life anytime I wanted. I can't wait to go to the hospital and started the operation on Riel. I would make sure that his experience would be one of a kind from my hand.

            Tumawag ako sa ospital at sinigurado ko kung naka-prep na ang OR. Ayaw ko din namang mapahiya kay Greg. Ilang beses na rin dapat siyang mag-a-attend sa mga operation pero laging hindi tumutugma sa schedule niya. At ngayong gabi na matutupad iyon. Sigurado akong magiging espesyal dahil tao pa niya ang magiging donor namin.

            Dumeretso ako sa basement sa secret OR namin at naabutan ko si Doctor Ortega na inihahanda na ang mga gamit doon. Ang dalawang assistant niya ay busy din. Nagsimula akong magbihis tapos ay kinuha ko ang patient's chart at kumpleto na doon ang pangalan ni Riel.

            Gabriel Alzea.

            Naroon din ang complete medical history ni Riel na ibinigay sa akin ni Greg. Napakaganda ng records. Siguradong pag-aagawan ng mga bidders ang bawat organs na makukuha sa kanya. Mabilis kong mababawi ang ibinayad ko sa abogado ni Meara. Natawa ako. Akala ng asawa kong magaling nakatisod na siya ng magliligtas sa kanya. Hindi niya alam sa akin pa rin siya babagsak.

            "Nasaan na ang patient?" Takang tanong ni Dr. Ortega.

            Oo nga. Nasaan na nga ba? Kanina pa iyon umalis. Kinuha ko ang telepono ko at tinawagan ko ang isang tao ko na kasama ni Riel para dalhin dito. Walang sumasagot.

            "Baka na-traffic lang. Ayusin mo na lang diyan. Ayaw kong mapahiya kay Greg." Muli ay kinuha ko ang patient's chart tapos ay nagpipindot sa telepono ko. Inuumpisahan ko na ang bidding para sa mga organs na makukuha namin.

PERFECT LIE (COMPLETE)Where stories live. Discover now