CHAPTER TWENTY-FIVE (Escape)

2.1K 208 30
                                    

Sometimes to be seen is the same thing as being saved.

-------------------------------

Meara

            My whole body felt sore.

            I knew my face was swollen. My head felt like it was hit by a huge thing. And when I tried to move...

            I was handcuffed.

            Sinubukan kong igalaw ang mga kamay ko at nakaposas ang mga iyon sa kinahihigaan ko. Pinilit kong dumilat at tiningnan iyon at nakita ko ngang nakaposas ako sa magkabilang railing ng kama.

            Hilo pa ako pero nang tingnan ko ang paligid ay sigurado akong nasa ospital ako. Nakita ko ang mga mga nakasabit na de-bote at plastic na gamot sa IV stand. Puting-puti ang loob ng silid. What the fuck happened to me?

            Then I remembered what happened.

            Perry almost killed me. That happened.

            Automatic na namuo ang luha sa mga mata ko. Agad kong naisip si River. Ano na kayang nangyari sa anak ko? Sinubukan kong igalaw ang mga kamay ko pero ganoon pa rin. Umingay lang ang posas sa railings. Paano ako makakaalis dito?

            Nakarinig ako ng mga boses na palapit sa pinto ng silid. Nagkunwa akong wala pa ring malay at naramdaman kong bumukas ang pinto noon.

            "Si Mrs. Azaceta ba talaga 'yan?"

            Boses babae ang narinig ko. Ramdam ko na pumasok sa loob ang kung sino man na mga taong iyon.

            "Oo. Asawa ni Sir Perry. Ang sabi, naaksidente daw. Pero tingnan mo nga. Mukha bang sa aksidente nakuha ang mga sugat niyan? Three days na 'yang ganyan. Ewan ko kung magigising pa. Off limits ang chart kaya hindi ko rin alam kung ano ang diagnosis. Basta ibinibigay lang ni Doctor Ortega ang mga gamot na kailangan na ibigay." Sagot ng isa pa.

            Hindi ako gumagalaw at talagang pinilit ko ang sarili kong magmukhang walang malay. Naramdaman kong may humawak sa pulsuhan ko at kinakapa iyon. May naramdaman din akong malamig na bagay na dumampi sa bandang dibdib ko.

            "Vital signs lang naman ang kukunin natin 'di ba?" Sabi ng kung sino.

            "Oo. Saka sabi ni Doc, i-sponge bath daw. Saka ang weird 'di ba? Bakit siya nakaposas?"

            "Totoo. Naguguluhan din ako. Wala ngang ibang mga doctor at nurse attendants ang nakakapunta dito. 'Buti tayo." Napahagikgik pa ang nagsalita. "Malaking tsismis 'to."

            "Gaga ka. Subukan mong ikalat ang nangyayari dito sisante ka agad. Kabilin-bilinan ni Doc, walang makakalabas kung ano ang lagay ni Mrs. Azaceta. Ang bilin kapag nagkamalay, saksakan agad ng pangpakalma dahil siguradong magwawala daw iyan gawa ng trauma. Ano kaya sa tingin mo ang nangyari?"

            "Alam mo, may tsismis na kumakalat, battered wife daw iyan. Binubugbog ni Sir Perry. Pero tsismis lang 'yon. Wala namang proof. Kasi 'di ba ang ganda-ganda niyan. Bagay na bagay sila ni Sir Perry kasi guwapo din naman 'yon."

            "Ako feeling ko totoo. Kasi one-time nagpunta dito 'yan tapos may putok sa labi. Pero puwede rin namang nakagat niya 'no? Sweet-sweetan 'yang mag-asawa na 'yan. Ewan. Ang gulo. Bilis na. Kumuha ka na basin at nang ma-sponge bath na 'to."

            Naramdaman ko na muli ay may humawak sa pulsuhan ko at biglang lumuwag ang posas sa mga kamay ko. Gusto kong magdiwang nang parehong kamay ay naramdaman kong natanggal ang pagkakaposa ko. Hindi talaga ko gumagalaw para hindi malaman ng mga ito na gising na ako.

PERFECT LIE (COMPLETE)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora