P R O L O G U E

3.3K 62 3
                                    

Simula. . .

Ayesha Madrigal PoV,

Kusang tumulo ang aking luha habang pinagmamasdan ang suot kong singsing, parang kailan lang nung ipinaglaban pa naming dalawa ang isa't isa.

"Three years. . . It's been three years Mahal." hikbi ko.

Mahinang humagulgol ako habang tinatanaw ang labas ng bintana. Ilang linggo na siyang hindi umuuwi, matapos ang sunod sunod na isyu na kinahaharap nila ng isang sikat na aktres.

Sanay na ako, subalit kahit nasanay na ako hindi ko parin maiwasang sobrang masaktan sa pambabae niya. Binigay ko naman ang lahat ngunit naghanap pa rin siya ng iba.

"Ma'am Aye."

Humugot ako ng hininga. "Po?"

"Nakauwi na po si Sir Raquel." sagot nito.

Suot ang simpleng kulay pulang bestida. Humarap ako sa salamin, maganda parin naman ako pero bakit lagi siyang naghahanap sa iba.

"Manang Silva may problema po ba?" tanong ko nang makita ang nag aalangan nilang mga mukha.

"Ma'am Aye. . . kasama kasi ni Sir yung Veron." sagot ni Ate Ferlyn at umiwas ng tingin.

Kumirot ang puso ko. Hindi ako ang may ari ng mansyon, pero ang kapal naman ng mukha niya at dinala niya ang kabit niya dito.

"Ma'am Aye!"

Kumuyom ang kamao ko at dagli akong bumaba ngunit natigil rin ng makitang masuyong hinahalikan ng asawa ko ang noo niya. Tila nanghina ako sa nakikita.

"Babe what do you want to eat?" malambing niyang tanong sa babaeng nakakandong sa kaniya.

Tumikhim ako. "Mahal."

Nagtama ang tingin namin ni Raquel, naging malalim na titig ang ipinukol niya sa akin samantalang nakangisi si Veronica.

"Mahal naayos naba ni Sir Arnold yung isyu?" kiming tanong ko.

Sa bawat paghakbang ko palapit sa kanila, tila abo ang aking puso na tinatangay na nang hangin. Kinagat ko ang sariling labi para pigilan ang sariling umiyak sa harapan nila.

"Our relationship is not an issue."  nangingiting sagot ni Veronica.

Masama ko siyang tinignan. "Hindi ikaw ang kinakausap ko kaya manahimik ka diyan!" inis kong bulyaw.

"Ayesha!" may pagbabanta sa boses ni Raquel.

"Ano Mahal? Asawa mo ako kaya dapat ak-"

Napatigil ako ng tinanggal niya ang singsing sa kaniyang daliri at inilagay sa mini table kasabay ng paglatag ni Veronica ng brown envelope.

"Mahal anong ibig sabihin nito?" nagtatakang tanong ko habang palipat lipat ang aking tingin sa kaniya at sa singsing.

Kay Veronica siya nakatingin. "We just came here to give the annulment paper." malamig niyang sagot.

"Mahal nagbibiro ka lang diba?" humihikbing tanong ko at aakmang lalapit sa kaniya ng hinawakan ako nila Mang Isko.

"Pasensya na ho Ma'am Aye, napag utusan lang po ako. Bawal po kayong makalapit kina Sir Raquel at Ma'am Veron." sabi ni Mang Isko.

Umiling ako at pilit kinakalas ang pagkakahawak nila sa akin. "Mahal bakit? Bakit kailangan mong gawin sa akin to?" nasaktan ako ng hindi manlang niya ako lingunin.

"Raquel loves me bitch! Sign the paper nang makaalis na kami." sagot ni Veronica.

"Mahal ayos lang kahit mambabae ka, basta sa akin ka parin uuwi. . . Kakalimutan kong dinala mo ang kabit mo sa bahay natin, please huwag mo naman akong iwan. . ." desperada kong pagmamakaawa.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now