C H A P T E R 57

299 23 0
                                    

C H A P T E R  5 7

Hindi namin maintindihan ang gustong mangyari ni Kaizhee, kanina pa niyang pinagpipilitan na traydor si Khalix kahit napatunayan namang hindi sa kaniya ang mga pirma sa Attendance Register Booklet.

"Still, he's the Traitor! I know he paid that man. . ." gigil niyang dinuro sina Khalix at ang lalake.

"He's a Forgery expert, Iho." saad ni Papa Kin ng hindi parin tumitigil si Kaizhee sa pag-aakusa sa dalawa.

Napasinghap ako ng biglang hilahin ako ni Kaizhee at sapilitang inilayo kay Khalix. Lihim akong napangiwi ng madiin niyang hinawakan ang braso ko.

"Kai!"

"Dude!"

Iniharap niya ako sa mga pinaghihinalaan naming ebidensya. "Look at this Ayesha. . ." aniya.

"He visits her eight consecutive days. Do you still believe him that he never help her fianceè?" aniya.

Sinapo ko ang aking noo, talagang hindi marunong umintindi ang lalakeng ito. Wala nang kwenta para sa akin ang mga papel na yan dahil napatunayan naman ni Khalix na hindi sa kaniya ang mga pirmang iyon kaya wala nang dapat pang paniwalaan sa mga sinasabi ni Kaizhee.

"Kuya, what is your next plan when Ms. Ayesha believe in your lies?" biglaang pagsabat ni Capt. Eliaz.

Gamit ang kanan niyang kamay, malakas niyang sinuntok ang kapatid. "You! A son of a bitch!" galit niyang sigaw.

Nakaiwas si Capt. Eliaz sa ginawang pagsuntok ni Kaizhee. Mas lalong lumala ang tensyon ng pumagitna si Uncle Gurang sa dalawa.

Nilingon niya ako."Baka gusto mong sagutin yung tanong ng baliw na yan?" turo niya kay Kaizhee.

"Limuel!"

"Capt. Manuel!"

Maloko siyang tumawa. "Okay. Pamangkin, baka gusto mong sagutin yung tanong ng baliw na yan?" pag-uulit niya.

"Limuel Madrigal!" galit na sigaw ni Sir Kenzo sa kaniya ngunit tanging pagtawa lang ang ginawa nito.

"He visits her eight consecutive days. Do you still believe him that he never help her fianceè?"

Tumikhim ako at tinanggal ang mahigpit na pagkakahawak sa akin ni Kaizhee. "Uh Do i still believe him that he never help Giselle?. . . actually Yes, because I know that Khalix loves me more than he loves Giselle." nahihiyang saad ko.

"But. . . Ayesha."

Bumuga ako ng hangin. "Please tama na, Kaizhee! Hindi nga traydor si Khalix kaya tigilan mo na ang kakasabi na traydor siya." pagalit kong sinabi.

Napaatras ako sa takot  ng walang emosyong tumango si Kaizhee habang nakatingin sa akin. At tahimik itong umupo sa tabi ni Sir Kenzo.

Salitan kaming nagkatinginan nila Jared. Parang may mali. . .lalo na't napansin kong may binigay si Capt. Eliaz na tila gamot kay Sir Kenzo at ito ang nag-abot kay Kaizhee.

"Don't be stubborn." wika ni Sir Kenzo.

Tinabig iyon ni Kaizhee. "I don't need that." kalmadong aniya.

"Dude, inumin mo na yan. . . nagiging creepy ka na naman. . . g-gusto mo bang m-matakot sayo s-si Aye?" nag-aalangang sinabi ni Copper.

Nangunot ang noo ko sa narinig, ba't nadawit na naman pangalan ko? Teka, may malalang sakit ba si Kaizhee?

Kasabay nun ay mabilis niyang nilunok ang gamot. Napansin kong nanghina siya dahil kinailangan pa siyang suportahan ni Sir Kenzo sa pagtayo.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now