C H A P T E R 62

210 17 0
                                    

C H A P T E R  6 2

Isa-isang nagsulputan sa gilid namin ang mga kaibigan niya. Kumpleto silang lahat, nang mapansin kong ngingisi-ngisi si Archie ay malalas ko siyang sinampal.

Nakangiwing napahawak ito sa pisngi. "Para saan yun, Aye?!"

"Sa mga kasalanan mo kay Bria." sagot ko at sinampal ulit siya.

"Arayy! Pawelkambak mo ba yung sumunod?!" tanong niya.

Napangisi ako ng makitang pulang pula na ang magkabilang pisngi niya. Mahinang natawa nalang si Khalix, habang ang iba ay pinagtawanan siya.

"Unfair kasi kung yung kabila lang ang may blush-on. . ." sagot ko.

Nagulat ako sa mabilis na paghapit sa akin ni Khalix. Hawak-hawak niya ang aking bewang habang nakikipagbarilan sa mga kalaban.

"Dude dito!"

"Sa likod mo!" sigaw ni Hashii kay James at agad niya itong pinatamaan.

Nakakabilib silang lahat, wala manlang nasayang na bala sa bawat pagputok nila ng baril. Nagtraining naman ako, pero ba't mas magaling pa si Khalix kaysa sa akin?

"Fvck!"

Protektado nila ako sa bawat galaw ko. Malapit na akong mainis kay Khalix, hindi niya ako binibitawan kaya hindi ako makapatay ng kalaban.

"Putek! tang inang bata to!" pagmura ni Archie ng muntikan na niyang mabaril yung si Rogue.

Nasa likuran niya sina Kaizhee, Veron at mga kasamahan nila. Pinagmasdan ko nang mabuti si Rogue, hindi ko akalaing siya ang dahilan ng malagim na trahedya.

"Your son hate that kid. . ." sabi ni James.

"Pero crush yan ng anak mo." sabi ko din dahilan ng pagbusangot ng mukha niya.

Nakasilip lang ako sa kanilang mga likuran, tanaw ko dito si Giselle na takot na takot habang nakahawak kay Veron. Nagbalik sa aking ala-ala ang mga sinabi niya kanina tungkol sa ginagawa ni Kaizhee sa kaniya. . .nakaramdam ako ng konting awa pero hindi sapat iyon para hayaan silang makatakas.

"Did you hurt my girlfriend?!"

"Boss K!"

Hinigit ni Kaizhee ang braso Giselle , bago niya ito sinakal sa leeg. Narinig ko ang mahinang pagmura ni Khalix at pagkuyom ng kamao.

Hindi sumagot si Giselle kung kaya't nakatanggap siya ng malakas na pagsampal mula kay Kaizhee. Lalong napamura si Khalix ng parang papel na bumagsak si Giselle.

"Damn!"

"Boss K wag mo namang saktan ang kapatid ko!" sambit ni Veron at iika-ikang naglakad ito palapit kay Giselle.

Kahit sa ganitong sitwasyon, hindi ko parin maiwasang makaramdam ng selos kay Giselle. Alam kong minahal siya ng totoo ni Khalix. . .at hindi ko mababago ang katotohanang iyon.

"Gago talaga yang kaibigan natin!" sambit ni Archie ng sinaktan ulit ni Kaizhee si Giselle.

"Boss K wala sila sa itaas!"

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now