C H A P T E R 35

889 36 8
                                    

C H A P T E R  3 5

"Huwag mo nga akong ma-bola, baka nakakalimutan mong galit pa ako sayo. . ." sabi ko at inirapan siya.

Yumuko siya. "I'm sorry, Miss."

"Capt. Quiwo, bad siya!" sigaw ulit ng bata.

Napaatras ako ng masagi ako ng kung sino, balak ko na sanang tumakas ng hinawakan ako ni Quiro at humarang ang ilang tauhan niya.

"Ayos kalang baby?"

Kinagat ko ang aking labi, hindi nga ako nagkakamali. . . ang batang iyon ay ang menopause baby ni Mama, ang sarili kong kapatid.

"Opo Mommy pewo bad siya!" pagturo niya sa akin.

Galit akong liningon ni Mama. Napapikit ako ng aakmang sasampal siya sa akin ngunit dumapo ang isang haplos ng malambot niyang palad sa aking pisngi.

"Quiro, nahanap niyo siya. . ."

Dahan-dahan akong nagmulat. "M-mama. . ."

"Anak ko. . ." pagyakap niya sa akin.

Umagos ang luha sa aking pisngi. . . dapat galit ako eh! Dahil kinampihan niya si Giselle, pero bakit ganito? parang wala lang nangyari. . .

"Patawarin mo kami ng Papa mo, akala talaga naming lahat tinulak mo si Giselle kung kaya't namiscarriage niya ang anak nila ni Khalix. . ." paliwanag niya.

Humiwalay ako sa kaniya at pinunasan ang aking pisngi. Kumirot ang puso ko ng maalala muli ang nangyari noon, hindi ko nga alam kung paano ko natanggap na nabuntis ni Khalix si Giselle. . . pero okay lang ikakasal narin lang naman sila ngayon.

"Mimi!" pagyakap sa akin ni Kalin.

Binuhat ko siya. "Bakit ka bumaba?"

"They hurt you?" tanong niya at agad akong umiling.

Sumubsob siya sa leeg ko. "Punta na tayo kay Dada."

"Ang laki na niya. . ." sabi ni Mama.

Mapait akong ngumiti. "Kalin Riguel Havier. . ."

Natahimik siya sa sinabi ko. Kapag nalaman ito nila Mr. Kin, paniguradong magwawala iyon sa galit. Kalin Riguel Trevor talaga ang nasa birthcertificate ng anak ko, gusto ko lang mainis sila Khalix at Mr. Kin kapag nalaman nilang ginagamit ko ang apelyido ng asawa ko kay Kalin.

"Havier?" tanong ni Quiro.

Tumango ako. "Kalin Riguel Havier."

Wala akong kawalang nakasunod kina Quiro, bitbit na niya si Kalin habang nasa akin si Aileen na kanina pang pinagdidiskitahan ang bangs ko.

"Ate Ayesha. . ."

"Hmmm?"

Hinalikan niya ang aking pisngi. "I'm sowwy Ate."

"Uh okay."

Tinawagan ko na ang mga kaibigan ko sa Ilocos na hindi muna kami uuwi ng ilang araw, kaya sila na muna ang magmamanage sa flowershop ko. Sumaglit rin kami sa Garden Peace Cemetery para dumalaw kina Raquel bago puntahan sina Papa.

"Mimi where's my gummies?" tanong ni Kalin na nakakandong kay Quiro sa harap.

"Here kiddo." pag-abot ni Capt. Callius sa anak ko.

"Pahinge win ako niyan!" sigaw ni Aileen.

Sinuway siya ni Mama. "Bawal sayo yan."

Sa hacienda ng mga Trevor kami tumuloy, sumalubong sa amin sina Capt. Jack na ngayon ay wala ng suot na maskara. Hindi ko aakalaing gwapo rin pala siya at kahawig niya si Raquel.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now