C H A P T E R 61

249 19 0
                                    

C H A P T E R  6 1

Sinuyod ko ang bawat gusali ngunit hindi ko parin mahanap ang anak ko o maging ang batang si Rogue.

Hile-hilera na sa loob ng gymnasium ang mga batang namamatay at nakataas parin sa red alert ang buong school dahil wala pang makapagsabi kung anong lason ang nasa jelly na nakain ng mga bata.

"Kalin Riguel Trevor." sabi ko at pinakita sa kanila ang picture sa hawak kong cellphone.

Pinigilan ko ang isang nurse nang hanapin niya ang anak ko sa mga namatay na bata.

"Buhay ang anak ko." sabi ko at naghanap sa mga batang nakaligtas.

Kaliwa't kanan akong lumingon at naghanap. Nanikip ang dibdib ko sa sobrang pagpapanic, walang nakakita sa anak ko at walang nakakaalam sa kaniya kung nasaan ito.

Tumunog ang cellphone ko, nahagip ng tingin ko ang isang unknown number bukod sa mga magkakasunod na text nila Khalix.

Unknown number;

          St. Mary Old building🧸

Kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko, ay agad kong hinanap ang gusaling iyon. Hindi ako sigurado kung tama ba ang daang tinatahak ko, dahil dito ako dinala ng direksyong sinabi ng napagtanungan kong pulis.

"Kalin Riguel!"

Maraming puno sa paligid. Nadaanan ko na rin ang lumang playground at ilang mga sirang gamit ng school.

"Kalin! Anak nandito si Mimi. Let's go home na Baby!" masuyong sambit ko.

"Mimi!"

Napatigil ako ng makarinig ng ingay. Hindi ako maaaring magkamali, boses iyon ng anak ko.

Namuo ang galit sa sistema ko ng makitang hinahabol siya ng isang babae. Tumakbo ako papunta roon, may hawak siyang kutsilyo.

"Hoy babae! Subukan mong saktan yang anak ko. Ako mismo ang makakalaban mo!" sigaw ko.

Nahablot ko ang hood nung babae. Hindi na ako nagtaka ng makita siya. Nakaiwas ako ng magtangka siyang saktan ako.

"Mimi she wants to kidnap me! Kaya tumakbo po ako!" pagsumbong ng anak ko.

"Hayop ka talaga Giselle!" nagngangalaiti kong sinabi at iniwasan ang mga pag-atake niya.

Sinenyasan ko ang anak ko na umakyat sa may puno, doon mas ligtas siya laban kay Giselle.

"Diyan ka muna anak. . . magtutuos lang kami ng babaeng ito." sabi ko at sinugod si Giselle.

Sinipa ko ang tiyan niya dahilan ng mabitawan nito ang kutsilyo. Tumilapon iyon papunta sa taas at hindi na namin nasundan kung saan napunta.

"Mang-aagaw kana nga, pakialamera ka pa. . ." aniya at sinampal ako.

Napaatras ako ng masipa ako sa tiyan. Napangisi siya, napangiwi ako sa sakit. Hindi ko inaasahang magaling siya.

"Mimi!"

"Opps! Sorry bitch!"

Ilang beses akong nakaiwas sa mga pag-atake niya subalit nakakaisa parin siya. Napahawak ako sa aking bewang nang maramdaman ang tumutusok na bagay sa aking tagiliran, naalala ko ang binigay ni Khalix sa akin kanina.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now