C H A P T E R 5

1.6K 50 0
                                    

C H A P T E R 5

Lintik na puso! Ba't ba napakarupok ko pagdating kay Khalix. Konting ngiti lang niya, bumibigay na agad ako?! Idagdag pa ang mga pambobola niya na kuhang-kuha ang loob ko.

Pagsabihan ko man ang aking sarili na umiwas na sa kaniya dahil gulo lang ang maaaring maibibigay ko sa kaniya, pero siya naman ang lapit nang lapit.

"Khalix, uh ibabalik ko na ito. . ." sabi ko at tinanggal ang singsing.

Ito yung binigay niya sa akin nung nakaraang gabi. Mukhang importante ito sa kaniya dahil bukod sa may malaking diyamante sa gitna, napansin kong may nakaukit na pangalang 'Calista' sa parteng ilalim ng singsing.

Umiling siya. "That's my Mom's ring. . . accept that as my gift." sabi niya at muling isinuot ang singsing sa akin.

Hindi na ako umapela sa kaniya, maingat niya akong inalalayan at iginaya paupo sa may high chair. Natakam ako ng mapagmasdan ang napakaraming pagkain sa lamesa, dadalawa lang naman kaming kakain pero kung makahanda parang may piyesta.

"Sir Khalix." bungad ng mga lalake at lahat sila ay magkakasabay na yumuko.

Kunot noong napalingon ako kay Khalix, hindi niya pinapansin ang mga ito at bahagya lang siyang tumango.

Hinila ko ang damit niya. "Huwag kang bastos." bulong ko.

"Eliaz you can leave us, now." mariing sinabi ni Khalix sa nagngangalang Eliaz.

Hindi ko alam kung sino sa kanila si Eliaz, ngunit sabay naman silang lahat na tumango at lumabas.

Nagtatanong tingin akong lumingon kay Khalix nang marinig ang baritonong pagtawa niya. Nakatingin rin pala siya sa akin at pinapanood akong magtaka sa mga lalake kanina.

"Yes Love?" ngising aso niyang tanong.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Eliaz ba ang pangalan nilang lahat?" inis kong tanong dahil nagpipigil tawa siyang umiwas sa akin.

"Eliaz was their Captain." sagot niya.

Naiinis kong siniko siya."Eh bakit sumunod silang lahat kung si Eliaz lang ang pinaalis mo?" naguguluhang tanong ko.

Sinimulan niyang lagyan ng mga pagkain ang plato ko, at hindi sinagot ang tanong ko. Kibit balikat akong napatango, ayaw niyang sagutin? Edi wag.

"Love are you mad?"

Inignora ko siya at tinanggal ang suot kong singsing. Nahagip ng aking tingin ang kahong pangregalo nasa lamesa, doon ko ito inilagay.

"You don't want?" tanong niya.

Tipid akong ngumiti. "Baka maholdap ako diyan sa labas, mukhang mamahalin eh. . ." pagsisinungaling ko kahit ang totoo ay naiinis lang ako sa hindi niya pagsagot sa akin.

Dumaan ang lungkot sa kaniyang mga mata, kumirot ang puso ko dahil guilty ako sa ginawa ko. Bumuntong hininga siya ng malalim at kinuha ang singsing sabay iniabot ang kahon.

"Then accept this. It's Tito Leo's gift on you." aniya at siya na ang nagbukas sa regalo.

Namilog ang aking mga mata ng inilabas niya ang kumikinang na kulay asul na kwintas. Parang nakita ko na ito, hindi ko lang matandaan kung sa TV ba or sa mga magazine ko ito nakita.

"Para sa akin ba talaga iyan?" hindi makapaniwala kong tanong.

Umayos ako ng pagkakaupo ng tumayo siya papunta sa aking likuran. Itinaas ko ang aking buhok, habang siya ay isinusuot ang kwintas sa akin.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now