C H A P T E R 1

2.3K 64 2
                                    

C H A P T E R  1

"Finally I found you. . ."

Napangiti ako ng maramdaman ang mainit at malambot na bagay na humahaplos sa aking pisngi, ipinagkibit balikat ko nalang ang paggalaw ng kama.

Dumapa ako ng pwesto, ayoko pang bumangon at hinatayin na naman ang asawa kong malabo nang umuwi. Nakakainis kasi si Sir Arnold dahil kinukunsinti niya ang magaling niyang anak.

Kumunot ang noo ko nang maamoy ang hindi pamilyar na pabangong humalo sa aking unan. Infairness, bet ko itong perfume na ginagamit nila Manang kaso mukhang sosyalin, at panlalake ang amoy.

"Hmmm." pagsinghot ko.

I don't love you anymore.

Napabalikwas ako ng bangon ng maalala ang lahat na nangyari kagabi. Hiwalay na kami ni Raquel dahil nabuntis niya si Veronica at nagpaplano na silang magpakasal.

Kumirot ang sintido ko. "Aray! Sh!t!"

Napahawak ako sa aking pwet ng maramdaman ang paghapdi. Hindi ako agad nakagalaw ng sunod namang sumakit ang gitnang bahagi ko.

Inilibot ko ng tingin ang paligid. Kailan pa naging black ang kumot, unan at kama ko?. . . Oh my god! Nakipag-one night stand ako kay. . . Kay?

Pinilit kong tumayo. Mahinang napaungol ako ng himasin ko ang aking pwet sa sobrang sakit. Bahagyang namumula pa ang gitnang bahagi ng sinilip ko ito.

"Damn you woman!"

Napapitlag ako ng marinig ang baritonong boses, hinahap ko sa paligid. Nasa may bukas siyang bintana, hindi ko siya maaninag dahil sa sinag ng araw.

"Hanggang ngayon ba hindi ko makikita yang mukha mo? Ay aba! Masyado kanang pamysterious." sabi ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. "Morning. . ."

Nanliliit ang aking matang pilit siyang inaaninag. Prenteng nakadekwatrong nakaupo ito ngunit malabo kong naaninag ang mukha niya kaya pahirapang naglakad ako palapit sa kaniya.

"Don't walk, you still sore." aniya.

Pumalakpak ito ng isang beses at kusang bumaba ang kurtina. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ang kabuuan niya. Oh my god! Totoo ba itong nakikita ko?

"The Young Billionaire CEO of Prime Whyx!" exaggerated akong napatakip ng bibig habang siya ay pulang pula na ang kaniyang buong mukha.

"Mr. Khalix Trevor!"

Napalunok siya. "What a temptress."

Nakatitig siya sa akin. Sinundan ko ng tingin ang tinitignan niya at doon ko napagtantong hubo't hubad akong nakatayo sa harapan niya.

"Fvck I'm sorry. . ." agap niyang sinabi. Kumuha siya sa kaniyang Cabinet ng roba at nakapikit na lumapit sa akin.

Namula ako ng harap harapan kong nakikita ang ultimate crush ng bestfriend kong si Bria. Hindi nga siya nagsisinungaling, siya nga ang pinakagwapo sa balat ng lupa pero ano tong nagawa ko?

Karibal siya sa negosyo ni Raquel. Malaki ang galit nito sa kaniya, dahil laging nauunahan ng Prime Whyxz ang Vitro E. Kaya lagi kaming napapagalitan ni Bria kapag si Mr. Trevor ang topic namin sa opisina.

"You're broken last night. . ."

Nag angat ako ng tingin sa kaniya. Namumungay ang kaniyang mga mata habang ako ay nagdadalawang isip. Malaking iskandalo para sa kaniya kapag may nakaalam sa nangyari sa amin.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now