C H A P T E R 29

779 32 0
                                    

C H A P T E R  2 9

Nakapagtataka ang mga kinikilos nila Raquel, madalas mapansin kong palagi silang nasa bahay. Imbes na maupo nalang at makiramay ay palagi silang naglilibot sa lahat ng sulok ng bahay.

Dumami ang security team sa labas, mahigpit narin ang patakaran ng mga ito dahil iilan nalang ang maaring pumasok para makabisita sa lamay ni Claire.

"Tatlong araw na Dude, baka joke lang yun. . ."

Masamang tumitig si Raquel sa kaniya. "Let's find it."

"Paano kung wala?" tanong ni Archie.

"Paano kung meron?" sabi ko.

Nagkatinginan sina Jared at Archie. "Tinago mo?"

Napaisip rin ako, ano ba talaga kasing hinahanap nila? Nung una bamboo daw, pangalawa yung hikaw ni Tita Arabelle at yung panghuli calling card daw nung chikababes ni Hashii.

"Oo." kiming sagot ko.

Nakatanggap si Jared ng pagbatok mula kay Raquel. Kumaripas ng takbo si Archie palayo, at hinabol naman niya ito. Napailing nalang ako, parang mga bata!

"Wait!" habol sigaw nila Hashii.

"Miss. . . let's go home."

Lumingon ako sa kaniya. "Nagtext sa akin si Kaizhee. . . hindi daw tinuloy yung operasyon ni Khalix, bakit daw?" tanong ko.

Hindi siya kumibo, bahagyang kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Halos araw-araw na akong nakakatanggap ng message galing kay Kaizhee, nung una naiinis ako ngunit dahil tungkol sa kalagayan ni Khalix ay tinuloy ko na ang pakikipagtext din sa kaniya.

"Quiro?"

Tumikhim ang kasama niya. "Miss, successfull po yung operation ni Sir Khalix. . . pero may ongoing operation parin po siya sa susunod na buwan. . ."

"Huh? Akala ko ba. . . nevermind, atleast ligtas na si Khalix. . ." sabi ko.

Nakahiga na ako sa kama ng tumunog ang cellphone ko. Inignora ko iyon, dahil ang sinungaling na Kaizhee lang din naman ang nagtext. Kinausap ko siya kanina, hindi parin niya inaamin na tinuloy nung nakaraang araw yung operasyon ni Khalix.

Hindi ko alam, kung bakit kailangan pa niyang itago sa akin iyon. Hanggang ngayon parin ba, ay ayaw niya ako para sa pinsan niya?

"Khalix. . . I miss you, Love." bulong ko sa kawalan.

Tinanghali na ako ng gising. Ngayon ang libing ni Claire, hindi manlang ako ginising ni Quiro nang maaga akong makapag-ayos at makapunta sa bahay.

Isang puting bestida ang sinuot ko, tinernuhan ko iyon ng flat na sandal. Tinawagan ko si Quiro para sunduin sana ako ngunit out of coverage area ito. Sunod kong tinawagan si Capt. Jack at Papa, nakapatay rin ang cellphone.

"Miss Ayesha?"

Lumingon ako. "Yes Po?"

"Ma'am pinasundo po kayo sa akin." sabi ng lalake.

Ngumiti ako. "Tara na po, late na ako. . ."

Naalibadbaran ako sa kinikilos niya, namumutla siya at pansin ko ang panginginig niya simula kanina. Panay rin ang pagpunas niya ng pawis sa noo.

"Para sa pamilya ko to. . . para sa pag aaral ng mga anak ko to. . . patawarin sana ako ng Diyos." aniya.

Tumikhim ako at inilabas ang dalang pera. "Ah Manong, heto po oh. . ." pagbigay ko.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now