C H A P T E R 55

441 22 2
                                    

C H A P T E R  5 5

Magdamagang gising ang lahat dahil sa pagtakas ni Giselle. Nagngangalaiti ako sa sobrang galit dahil maraming namatay at nadamay sa ginawa niyang pagtakas.

Palaisipan sa amin kung sino ang mga kasabwat niya, ni anino ng mga iyon ay walang nakita. Maraming ebidensya ang naiwan ngunit walang makakapagturo kung sino-sino ang may kagagawan ng mga nangyari.

"Manang Silva kayo muna nila Ate Ferlyn ang sasama kina Kalin. . . Captain Thomas paki assist sila mamaya sa school." utos ko at pagkatapos sumimsim ng kape.

Tinitigan ko nang mabuti ang conspiracy board, tinuturong isang bata ang mastermind sa mga nangyari, kaya mas lalong pinag aaralan namin ng maigi.

Imposibleng kayang gawin ng bata ang mga bagay na iyon, kaya tatlong suspek ang pinaghihinalaan namin; sina Khalix, Elaiza at Irene.

"Love, let's sleep. . ." humihikab siyang yumakap sa akin.

Tinapik ko ang ulo niya. "Umamin ka muna. . . sabihin mo sa amin kung saan mo tinago ang fianceè mo." pagalit kong sinabi.

"I dunno. . . h-hindi ko siya t-tinulungan, peksman m-mamatay man!" aniya at mas lalo akong yinakap.

"Sinungaling!"

Kusa kaming naghiwalay ng huminto sa harapan namin ang dalawang nagsisilakihang mga bulto. Sinalubong sila nila Papa Kin at nagkamayan ang mga ito.

"Captain Solomon." aniya ng isa.

"That is Solomon Roque. . . eldest brother of Quiro." bulong sa akin ni Khalix.

Tumikhim ang kasama nito. "Captain Miguel. . ." aniya at sumaludo.

Napaigtad ako ng dampian ng katabi ko ng halik ang leeg ko bago marahang kinagat ang aking tenga at bahagyang bumulong.

"That's your Little Uncle. . . Limuel Madrigal." aniya.

Napakurap ako at hindi makapaniwalang siya ang kinikwento ni Mama sa akin noon, ang batang inalagaan niya nung panahon kasambahay palang sila ng namayapa kong Lola.

"Unc-" napatigil ako sa pagsasalita ng takpan ni Capt. Miguel/ Uncle Limuel ang labi ko.

"For your information. . . bata pa ako, 33 years old. . .walang girlfriend, walang asawa at higit sa lahat walang anak." aniya at linagpasan ako.

Padabog akong umupo nang marinig ang mahinang pagtawa ng mga kasama namin, lalo akong nainis ng pati si Khalix ay nakisama sa kanila.

"Hey!"

Inirapan ko siya."Tsss!"

"I just remembered you from that line." pagtawa niya.

"Tangina neto. . . makatulog na nga!" asik ko at iniwan siya.

Nagsimula ang meeting de Avance para sa pagtugis kay Giselle at ng mga kasabwat niya. Dumalo lahat ng mga Captains, maging ang mga tauhan ni Lord Heusson at Aunt Kana ay naririto para tumulong.

"Teddy Bear? Slime? Egg toys?. . . are they serious?" natatawang saad ng tauhan ni Lord Heusson.

Tumayo si Capt. Eliaz at pinakita ang conspiracy board sa kanila. Halos laglag panga ang mga ito ng mapadako ang tingin nila doon at napatigil din ang ilan sa pagtawa.

"Thousands of inmates and civilians were dead of that kind of stuff . . . do you think aren't they serious?" tanong ni Quiro sa kanila.

"Tsk!" reaksyon ni Capt. Jack ng wala manlang sa kanila ang kumibo.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now