C H A P T E R 26

831 31 0
                                    

C H A P T E R  2 6

Nalaman kong dinala dito kanina ang katawan ni Claire. Konsensya ang bumabagabak sa akin, lalo nang malaman kong may kinalaman sina Papa sa nangyari sa kaniya.

"Aira Madrigal."

Iginaya niya ako papunta sa Morgue. Tumigil ako at bahagyang napahawak kay Quiro ng manghina ang tuhod ko.

"Miss Ayesha. . ."

Ngumiti ako. "Pagod lang. . ."

"You didn't sleep?. . . Fvck! Bakit hindi ka nagpahinga kanina. . .tapos naligo ka pa! Alam mo bang bawal maligo kapag puyat ka?!" pinaghalong pag-alala at sermon ang natanggap ko sa kaniya.

"Halika na nga!" paghila ko sa kaniya papasok sa loob ng Morgue.

Magpinsan kami ni Claire, mali ang nagawa nila Papa sa kaniya. Kung kay Irithel sila galit, hindi dapat nila ibinunton kay Claire. Alam kong hindi rin ginusto ni Claire ang nangyari kay Khalix.

"Irina Gonzales ang suspect?"

Tumango siya. "Yes, she is . . ."

Minanipula nila Kaizhee ang media gamit ang Digital Enterprise na kompaniya mismo ni Khalix. Pinalabas nilang si Irithel Madrigal-Gonzales ang pumatay kay Claire, kaya ito ngayon ang pinaghahanap ng pulisya.

Gusto kong makialam sa plano nila ngunit wala na akong nagawa dahil buo na ang loob nilang simulan ang masama nilang binabalak laban kay Irithel at Arnold.

"Siya na ba yan?"

Tumango ito. "Yes, Miss."

Kumibot ang aking labi habang nanginginig ang buo kong katawan na tinatanaw ang kawawang katawan ni Claire. Hindi ko na siya mamukhaan, dahil wasak na ang kaniyang mukha.

Tumulo ang aking luha.  "Claire. . ."

"Sorry. . . sorry sa ginawa nila Mr. Kin sayo, lalong-lalo na si Papa. . ." humihikbing sambit ko.

"Umiyak si Papa kanina. . . nakita ko kung paano siya nagsisi sa ginawa niya sayo. . . pero huli na kasi wala na yung prinsesa niya. . . Claire kung nasaan ka man, sana mapatawad mo sila. . ." umiiyak kong hinawakan ang kamay niya.

Napagdesisyonan kong mapag-isa muna. Nagpahangin ako saglit sa rooftop bago puntahan si Khalix. Ang sabi ng doktor, hindi pa siya stable pero natatakot ako kapag nagkatotoo ang sinabi ng doktor na maaaring magkaroon siya ng amnesia.

Hinaplos ko ang aking tiyan ng sumipa si Kalin, madalas na siyang gumalaw sa loob ko. . . sana gumising na si Khalix bago ako manganak.

"Kalin Riguel, wait natin si Daddy ha. . ."

Napangiti ako ng gumalaw ulit ito. "Let's go to Daddy."

Nahagip ng aking tingin si Raquel, kasama niya si Jared. Naghiwalay sila ng direksyon, nagmamadaling umalis si Jared habang abala ito sa kausap sa phone.

Palinga linga rin si Raquel at tila may kaaway sa kaniyang cellphone. Kumaway ako ng humarap siya sa pwesto ko ngunit agad din siyang tumalikod.

"Raquel."

Humgot ako ng lakas. "Raquel!!!"

Naglakad ako papunta sa kaniya ngunit pumasok siya sa loob ng elevator. Panay ang sigaw ko sa pangalan niya, ngunit hindi parin niya ako napansin.

"Paos na yung boses mo Iha, kaya siguro hindi ka narinig nung tinatawag mo. . ." sabi ng matandang nakawheel chair.

Napakamot batok ang batang kasama niya. "Ah Ate ganda, heto oh tubig. . . minamalat na po yung boses niyo."

"Salamat. . ."

Sumakay ako ng elevator. Nagsalubong ang kilay ko ng mabungaran ang mga doktor na nakayuko sa harap ni Mr. Kin. May babaeng nurse na nasa harap niya na para bang pinapakilala niya ang sarili.

"Yes, Sir. Nurse Giselle Perez. . ."

Walang emosyong tumango si Mr. Kin. "Make sure you always taking care my son. . ."

Abor langit siyang ngumiti. "Sure Sir, gagawin ko lahat sa abot ng aking makakaya." sabi niya at yumuko.

Hindi ko maintindihan ang nangyayari, kaya ko pa namang alagaan si Khalix at hindi na niya kailangang magkaroon ng personal nurse.

Dumating yung nakamaskarang nagngangalang Jackson "Jack" Havier, kasama niya sina Capt. Dwayne at Capt. Quiro na kasama ko lang kanina.

"His personal nurse on America." sabi ni Mr. Kin.

Ngumiti ang nurse. "Nurse Giselle."

"Capt. Quiro."

"Capt. Dwayne."

"Capt. Jack."

Kumirot ang puso ko, ibig ba nilang sabihin ilalayo nila sa amin ng anak ko si Khalix?

"Walang galang na po, dadalhin niyo po si Khalix sa Amerika?. . ." tanong ko.

Ngumiti sa akin ang nurse. "Yes, Ma'am."

"Bakit kailangan pa siyang dalhin doon?"

"For his best medication?" sarkastikong sagot ng nurse.

Nakaramdam ako ng inis sa kaniya, hindi naman siya ang kinakausap ko pero umeepal. Kumuyom ang kamao ko ng mahuli ang pag-irap niya.

"Miss. let me explain to you later." sabi ni Quiro.

Hindi na ako nakapagsalita pa ng nagsialisan na silang lahat sa harapan ko ngunit nanatiling nakatayo parin ang epal na nurse.

"Ayesha Madrigal." sarkastikong tumawa siya habang pinasadahan niya ako ng tingin mula sa paa hanggang sa ulo.

"Huwag kang mag aalala Ayesha. Aalagan at mamahalin ko si Khalix." nakangisi niyang sinabi at umalis sa harapan ko.

Nakaramdam ako ng inis sa sinabi niya. Napabuntong hininga akong napasapo sa dibdib. Gusto ko sana siyang sundan nang hinawakan ako ni Mama sa balikat.

"Anak nakausap ko si Logan, sa Amerika ipapagamot si Khalix. . ." sabi ni Mama.

"Ma wala po ba akong karapatan kay Khalix? Gusto kong makasama siya hanggang sa makapanganak ako, pero malabo na yatang mangyari iyon."

"Anak ko. . ."

Ilang linggo nalang manganganak na ako, at hindi niya na matutupad ang pangako niyang sasamahan niya ako hanggang sa maipanganak ko si Kalin.

"Mama, bakit ba kailangang mangyari sa amin ito?" umiiyak kong tanong.

Yinakap ako nito. "Pagsubok sa inyo ng Diyos iyan anak. Magpakatatag ka lang, malalagpasan niyo rin iyan. . ." sabi niya.

Tumango ako. "Pero si Khalix daldalhin na nila sa Amerika." humihikbi kong sinabi.

Napahagulgol ako ng makitang wala na sa loob ng ICU si Khalix. Labis ang pagsisisi ko sa mga maling nasabi ko sa kaniya, kung maibabalik ko lang sana yung oras maitatama ko ang lahat ng pagkakamali ko. Siguro hindi kami hahantung sa ganitong sitwasyon.

Minadali ko ang paglalakad palabas ng hospital, nagbabakasaling makita at maabutan ko pa si Khalix, ngunit bigo ako ng tanging sina Hashii nalang ang nandito.

"Hashii si Khalix?!" halos pabulong kong tanong.

Napalingon silang lahat sa akin. "A-ayesha. . ."

"Si Khalix?" muli kong tanong.

"Sorry. . . kailangang dalhin na siya sa Amerika para maoperahan siya ng maayos." mahinang sagot ni Copper at umiwas ng tingin.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now