C H A P T E R 45

659 35 0
                                    

C H A P T E R  4 5

Nagsimula na ang laban, unang nakapuntos si Hashii at sinundan iyon ni Copper. Nagtakhang makapuntos ng tres si Archie ngunit hindi iyon pumasok.

Nangingiting nakipalakpak ako sa mainit na laban sa pagitan nilang magkakaibigan. Mas marami ang tagasuporta nila Archie, dahil napakasikat na actor ni Kyle at lahat sila ay famous. . . samantalang sa team ni James ay sila lang ni Khalix ang kilala ng mga tao.

0-18

Wala pang score sina James, pansin kong tinatawanan lang nila sina Copper sa tuwing nakakapuntos ang mga ito. Panay ang pakitang gilas naman nila Archie at Jared sa kanilang mga fans kahit hindi pa sila nakakapuntos.

"Go bebe Copper!"

Tumayo ako at hinuli ang tingin ni Khalix. "Huwag kayong magpapatalo!" sigaw ko.

"Go Daddy!" hiyaw ni Kalin at iniwagayway ang hawak niyang pompoms.

Huminto sa harapan namin ito, lumapit siya at tig-isang hinalikan niya kaming dalawa sa pisngi.

"Trust me, Love. I'm the only MVP here." mayabang niyang sinabi at sinabayan ng pagkindat.

Nakuha ni Capt. Jack ang bola, itinakbo niya ito at ipinasa kay Capt. Callius at mabilis niyang ipinasa kay Khalix. Tumakbong pumwesto ito kung saan maaari siyang makapuntos ng tres.

"This is for you, Love!" aniya ng nilingon ako.

"Heto na, for the 3 points. . ."

Ipinikit ko ang isa kong mata ng ishinoot niya ang bola. Napatampal ako ng noo. . . kinapos iyon at hindi pumasok. Humagalakpak ng pagtawa sina Archie, nakisama na rin ako sa pagtawa habang siya ay nakangiti parin sa akin.

"Sayang Boss Sungit!"

"Magseryoso ka nga! Ipakita mo yung dating MVP ng Campus natin!" pagsita ni Hashii sa kaniya.

Umangat ang sulok ng labi nito. "You sure?"

"Go Khalix! Kaya mo yan!"

Napasinghap kami sa mabilis na pag-agaw niya sa bolang hawak ni Hashii kanina. Itinakbo niya ito at ipinasa kay Capt. Callius, kasabay nang pagtalbog ng bola ang siyang pagkalabog ng puso ko. . . kinakabahan ako, paano nalang kapag natalo talaga sila?

Pinagpapasahan nalang nilang dalawa ang bola, nakapwesto narin sina Archie malapit sa ring, talagang sinisigurado nilang hindi malapitang makakashoot si Khalix.

"Tamang timing lang guys!"

Nang makuha ni Khalix ang bola ay mabilis na gumalaw papasok si Capt. Jack sa pwesto ng mga kalaban. Ang buong akala ko ay ipapasa niya kay Capt. Jack ang bola, ngunit itinakbo niya papasok at dagling ipinasa kay James na agad naman nitong ishinoot.

"2 points by James Thompson!"

2-18

Bumaba sa tabi ko si Yna at pumunta sa pwesto ni Bria. Nag agawan sila ng mikropono, ayaw naman ibigay ni Bria iyon kaya kinagat siya nito. Nang makuha ng bubwit ang mikropono ay itinakbo niya ito papunta sa amin.

"Galing galing ng Daddy ko!" proud niyang sinabi at sinabayan ng pagkembot. "Huwag papatalo, Daddy ha." dagdag niya.

Natapos na ang 3rd quarter, 76-18 ang score. Simula kanina ay hindi na nakascore sina Archie dahil laging naagaw nila Capt. Jack at Quiro ang bola.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now