C H A P T E R 30

819 31 2
                                    

C H A P T E R 3 0

Ginaya ko ang ginawa ko kanina, ilang bala ang nasayang bago ko matamaan ang kalaban. Sinubukan kong iputok muli ngunit walang lumabas.

"Copper, wala na akong bala!"

Napaigtas ako ng may humawak sa akin. "Miss."

"Code name?" panggagaya ko sa madalas kong marinig kina Quiro.

Sumaludo ito. "I'm Capt. Raven."

"Kung si Capt. Quiro ay kay Papa, si Capt. Jack ay kay Mr. Kin, yung Capt. Eliaz ay under kay Tito Kherro, si Capt. Dwayne ay under kay Uncle Logan, ikaw? Kay Tito Richie?" tanong ko.

Tumango ito. "Yes, Miss."

May nilagay siyang isang baril at tubig sa slingbag ko. May dalawa pa itong kasama, si Clark at Jex na natira nalang sa mga tauhan niya.

"Clark nasaan na ang resbak?"

"Capt. wala na ang back up natin."

Tumulong ako sa pagbaril. Lumapit narin sa pwesto ko sina Archie. Parami ng parami ang kalaban, pagod at hinihingal nang napaupo sina Hashii at Jared.

"Walang ibang tatakasan?" tanong ni Copper.

Umiling ang mga ito. "Parating na sina Arnold dito. . . walang ibang madadaanan sina Capt. Jack, kaya hindi sila tumuloy. . . nagpadala na rin si Capt. Eliaz ng helicopter para kunin kayo. . ." paliwanag ni Capt. Raven.

"Tangina!" pagmura ni Archie.

"Si Ayesha ang target nila. . ." sabi ni Clark.

"Dumaan kayo sa likod. . . humingi kayo ng tulong diyan sa kabilang bahay. . ." sabi ko.

Napatampal ng noo si Archie. "Pinaalis na namin kaninang madaling araw. . ." sabi niya.

Nagulat ako ng matumba sina Clark at Jex sa harapan namin. Itinago ako ni Archie, patuloy silang nakipagbarilan sa mga kalaban.

Tumulo ang luha ko ng sumuka ng dugo si Capt. Raven, natamaan siya sa dibdib. Inalalayan siya ni Archie na naiiyak narin sa nangyari.

"Capt. Raven. . ."

Sumaludo ito. "Captain Raven Iñigo Rosales at your service. . ." nahihirapang aniya at pumikit.

"He's dead." nakayukong saad ni Archie at yinakap ang katawan ni Capt. Raven.

Lumipat kami ng pwesto. Patuloy parin ang pagpapaputok ng mga kalaban sa datin naming pwesto kanina, kung saan namatay sina Clark, Jex at Capt. Raven.

"Aye sa likod mo!" sigaw ni Copper.

Lumingon ako. "Wag please!"

Napaatras ako ng makitang may hawak siyang kutsilyo. Pumikit ako at handa nang mamatay nang ilang segundo ang lumipas ay wala akong naramdamang sakit.

"Don't touch her."

Iminulat ko ang aking mga mata. "Raquel. . ."

Hawak niya ang kamay ng lalake, pinaputokan ni Copper ito. Binatukan ni Raquel sina Archie, Jared at Hashii.

"Sorry na. . ." parang batang usal ni Archie at nagpeace sign kay Raquel.

Napakapit ako sa pader ng kumirot ang tiyan ko. Nag-aalalang linapitan ako ni Raquel, kinuha ni Hashii ang slingbag ko at ibinigay ang tubig sa akin.

"Hindi ako nauuhaw. . ." pagtabig ko sa tubig.

Namilipit ako sa sakit, naramdaman ko ang pag-agos ng tubig sa aking hita. Napahiyaw ako sa hapdi na parang may lalabas sa akin.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now