C H A P T E R 31

805 28 0
                                    

C H A P T E R  3 1

Hinanda namin ang bawat sarili sa anumang pwedeng mangyari sa amin, tinutok ko ang hawak kong baril sa may bintana kung saan maaari silang dumaan. Liningon ko saglit ang anak ko, mabuti nalang at mahimbing ang tulog niya.

"Sige pasok lang. . ." sigaw ni Archie at pinaulanan sila ng bala. Ganun din ang ginawa ko, pinaputokan ko ang bawat isa na magtatangkang pumasok.

Mahina akong napaungol sa sakit ng matamaan ako ng bala sa aking hita. Ngumisi ako nang lumingon si Raquel sa akin, hindi ko pinahalatang natamaan ako at naglakad papunta sa namatay na kalaban para kumuha ng baril.

"Aye delikado diyan. . ." sigaw ni Jared.

Napahiyaw ako sa pagkabigla ng matamaan siya sa kaniyang tiyan. Ngumiwi siyang napahawak sa kaniyang tiyan at hinila siya nila Raquel at Archie.

"Dude anong plano?" nahihirapan niyang tanong.

Hindi kumibo si Raquel. "It hurts?"

"Ayesha, it hurts?" pag uulit niya.

"Raquel. . . yung bomba nasa labas. Anong gagawin natin?" pag iiba ko sa sinasabi niya.

Inasintado ko ang kalaban na aakmang babaril kay Raquel. Sapol iyon sa ulo niya, naging alerto kami ng muling dumami ang mga kalaban.

"Archie kunin mo yung bomba." utos ni Jared.

Napakamot ito sa ulo. "Bakit ako na naman?"

"May reklamo ka?" taas kilay kong tanong.

Walang nagawa si Archie, napilitan siyang gumulong palabas. Sinundan siya ni Copper palabas, nauna niyang nakuha ang bomba at hinagis papunta kay Raquel na agad naman niyang nasalo.

Hinawakan ako sa braso ni Hashii. "Dumudugo yang legs mo, natamaan ka?" tanong niya na ikinalingon nilang lahat sa akin.

"N-nanganak ako kanina. . ."

Iniabot ni Raquel ang bomba kay Archie at hinapit ako palapit sa kaniya. "There has a bullet on your legs. . ." sabi niya habang nakatingin sa dumudugo kong hita.

"W-wala. . ."

Dumaing ako ng hawakan niya ang parteng iyon. Napangiwi ako sa sobrang sakit at humawak sa kaniyang balikat ng yumukod siya.

"Raquel. . . masakit."

Pinunit niya ang laylayan ng suot kong dress at tinali niya sa taas ng sugat ko. Nakaramdam ako ng pamamanhid sa ginawa niya.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Ayesha. . ."

Nanlaki ang aking mata ng dukutin niya ang bala sa aking hita. Itinapon niya iyon sa kung saan. Kumuha ulit siya ng tela sa dress ko at mahigpit na itinali sa sugat ko.

"Do you feel anything pain?" tanong niya.

Umiling ako. "Namamanhid lang. . . salamat ng marami Raquel ha."

"Dude, paano to?. . ." tanong ni Archie sa bomba.

Napatingin ako kay Hashii, buhat na niya ang anak ko. Hindi naman ito umiiyak, dahil hinehele siya ni Hashii. Narinig ko ang malutong na pagmura ni Archie.

"Tangina. . . tulungan niyo ako dito, hindi ko alam kung paano patitigilin tong bomba!" aniya.

Naiiyak niyang nilingon si Hashii. "Dude, pagnabuhay tayo. . . buntisin mo na si Monique para di mo panggigilan yang anak ni Khalix!" dagdag niya.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now