C H A P T E R 11

1.3K 46 0
                                    

C H A  P  T  E  R   1 1

Ayesha Madrigal PoV,

"Buntis ako?" hindi parin ako makapaniwala.

Marahang hinaplos ni Khalix ang aking tiyan, at dinampian ito ng halik. Tumulo ang luha ko sa saya, pero natatakot ako sa magiging kinabukasan ng anak namin kung napapaligiran kami ng mga ganitong tao.

"Oo nga Aye! Buntis ka!" masayang sagot ni Archie.

Ngumiti sa akin si Khalix. "Thank you, Love."

Hindi niya binibitawan ang pagkakahawak niya sa akin simula pa kanina. Naunang ginamot ang sugat ko sa sintido, siya naman ay ginagamot parin ng ilang nurse.

Nakabantay sa harapan namin ang tatay niya at ang mga uncle nito. Pigil sulyap ang ginagawa ko para lang hindi magtama ang tingin namin ni Mr. Kin.

"Dude pakitulungan naman sina Khalix at Ayesha oh. . . kahit yung divorce paper lang nila ni Raquel yung asikasuhin mo tutal kasalanan niyo naman to ni Steffany." pagkakausap ni Jared kay Kaizhee.

Umiling ito at malimig akong tinignan. "H-hindi ko kaya. . ." sabi niya habang hindi parin pinuputol ang tingin sa akin.

Napakagat labi ako, tinanggal ko ang kamay ni Khalix sa aking tiyan ng makaramdam ako ng pagkulo ng aking tiyan. Nahihiyang tinulak ko siya ng idinikit niya ang kaniyang tenga sa aking tiyan.

"G-gutom kana, Love?"

Tumikhim ako. "Hindi."

Wala pang segundo ay nagsipasukan ang mga tauhan nila Mr. Kin. Bawat isa ay may dalang mga pagkain, agad akong napatakip ng ilong ng malanghap ang isang putaheng ilang araw ko nang iniiwasan.

"Pwede po bang pakialis yung adobo?"  sabi ko.

Yumuko ang lalake. "We're sorry, Miss"

"Capt. Dwayne itake out ko nalang mamaya yan ha!" habol sigaw ni Archie sa lalake.

Mahinang natawa ako, ngunit agad din akong sumeryoso ng magtama ang tingin namin ng Tito Leo nila Khalix. Naiilang ako sa klase ng tingin niya sa akin, para bang gustong gusto niya akong lapitan at yakapin?

"Ba't nagpakita ka pa dito?" pagkausap ni Hashii sa labas ng pinto.

"Who's that son?" tanong ng kasama ni Mr. Kin.

Napakamot batok itong liningon ako at pagkatapos ay bumaling sa kaniyang Tatay. "Dad, si Raquel."

"I'll talk to him." sabi ni Mr. Kin.

Ilang oras lang ay nagsialisan na sila. Naiwan sina Quiro na nagbabantay sa labas. Tumahimik na rin dito sa loob, napatingin ako kay Khalix para siyang batang natutulog sa tabi ko habang ang braso at hita niya ay nakadantay sa akin.

Napapaisip parin ako, paanong nabuntis ako kung nagtetake ako ng pills? Hindi naman ako nagmintis sa pag-inom.

Sinuklay ko ang buhok niya. "Ang galing mo Love, naisahan mo ako ha!" natatawang pagkausap ko sa kaniya.

Kinapa ko sa bulsa niya ang kaniyang cellphone. Kumunot ang noo ko, kailan pa niya nilagyan ng password to?

"1231" pagpindot ko.

Pero mali, hindi ang birthday niya. Napabusangot ako ng sinubukan kong i-enter ang birthday ko, mali parin.

"0227, Love" sabi niya.

Mahinang kinurot ko ito sa tagiliran niya. "Gising kana pala."

"I'm sleeping, Love" pamimilosopo niya at bahagya pang pumikit ang loko.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now