C H A P T E R 39

972 34 15
                                    

C H A P T E R 3 9

Humihilik na ang dalawang bubwit habang ang makulit na si Yna ay nangingiting nakatitig parin sa akin. Hindi ko maiwasang mapairap sa hawak niyang picture ko, naka-bangs pa ako dun at may brace sa ngipin.

"Tita Pretty. . . ang unfair po!" matinis niyang bulong at salitan niya akong tinignan sa hawak niya.

Tumatawang umiling ako at marahang tinapik ang pwet niya. Saglit kong hinaplos ang matambok niyang pisngi at pinagkatitigan ang kaniyang asul na mata.

"Why?"

"Kasi kahit anong style niyo po ang ganda ganda niyo parin po!" ungot nito.

Napatigil ako ng makarinig kami ng ingay at kalampag sa labas. Naiinis akong napapikit ng magsigising ang dalawa, dagling nagsitakbo palabas sina Yna at Kalin, habang pumupungas na sumunod si Aileen.

"Wait lang!"

Nagmadaling naghanap ako ng bra sa closet. Hayst, dis oras kasi ng gabi. . . mukhang may mga asungot pang dumating.

"Yung pasalubong namin kay Miss CEO?"

Kung hindi ako nagkakamali, boses iyon ni Archie. Nagmadali akong bumaba at naabutan ko ang galit na galit na si Capt. Jack, humihikab pa si Glenda sa tabi niya.

"It's 10 in the evening, why don't you go back tomorrow huh!" asik nito.

Napaatras naman si Archie. "Pareng Jack, chill lang okay?" natatakot siyang nagtago sa likuran ni Hashii.

"Alis kayo Ninong Sungit, tulog pa si Tita Pretty. Balik nalang kayo next. . . year." matinis niyang sinabi, at pinapalayas sila.

"Let's go babe?" pagyaya ng bruhang Giselle sa kaniya. "We can go back next year?" dagdag niya.

Umiling naman ito at tila may hinahanap sa paligid. Dumaan ang sari saring emosyon nang magtama ang tingin naming dalawa, umayos ito ng tayo.

"Goodevening. . ." baritonong boses nito.

Nagwala ang puso ko, tila lalabas na ito sa dibdib ko. Kahit kailan hindi parin nawala ang epekto niya sa akin. . . pero mali. Mali nang siya parin ang mahalin ng puso ko.

Hindi ko siya pinansin at dumaan lang sa harap nilang dalawa. Nahuli ko ang paglaglag ng panga nila Copper nang mapadaan ako sa harapan nila, at bahagya pa silang siniko ni Quiro.

"Aye. . ."

"Alis na Tito Blue!" pagsipa ni Yna kay Jared.

"Alis!" galit rin na sinampal ni Kalin si Archie.

Napangiwi si Archie. "Dude! Aye! anak niyo!"

"Kalin!"

Gaya nila Papa Kin at Khalix, lumingon sa akin ang madilim nitong awra. Magkasalubong ang makapal niyang kilay at nakakatakot ang titig ng kaniyang kayumangging mata.

"They ruin my dream, Mimi." singhal niya.

Humagikgik si Yna. "Oy Kalan ako yun no? Sabi mo kanina Yyynnna labyu!"

"Hmmp!" sabi nito at pinalo sa ulit sa mukha si Archie. "Alis nga kayo dito! Go away!" galit nitong saad.

Nag aalalang lumapit ako sa anak ko, baka nagkasugat na ang kamay nito sa kapal ng pagmumukha ni Archie. Hinaplos ko ang palad niya at pinugpog ng halik.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now