C H A P T E R 2

2K 60 0
                                    

C H A P T E R  2

"Ingat."

Napasinghap ako ng hinalikan niya ako sa aking pisngi. Kumalabog ng husto ang aking puso at bahagya akong umiwas ng tingin sa kaniya.

Tumikhim siya. "It's okay if you don't want to get out on my car. . ." nanunudyong sinabi nito.

Mabilis akong lumabas, sa hindi inasahan nauntog ako at muntikan pa na madapa. Lumabas din ito at nag aalalang lumapit sa akin.

"Are you okay?"

Tumango ako. "Oo. . . thank you nga pala sa lahat."

Lumingon ako kay Manong Guard, nakataas ang kilay nito sa amin. Bumitaw ako sa pagkakahawak kay Khalix at iginaya pabalik ito sa kaniyang kotse.

"Sige Khalix. . . bye!"

Hinayaan ako ng Manong Guard na pumasok sa loob ng subdivision. Medyo malayo pa ang lalakarin ko papunta sa Mansyon, mabuti nalang at nakita ko sina Manang Freya at ang anak niyang si Ate Ferlyn.

"Manang Freya!" sigaw ko.

Paika ika akong lumapit sa kaniya. Nagulat silang napatingin sa akin at nagsi iwas sila ng tingin . Nagtataka ako kung bakit may buhat na maleta ang ilang kasambahay na nakasunod sa kanilang dalawa.

"Ma'am Aye uh. . ." iwas tingin nilang sinabi.

Humawak ako sa kamay niya. "Manang aalis napo kayo?" tanong ko kay Manang Freya.

Malungkot silang lahat na yumuko. "Ma'am Aye pinapaalis na po kayo ni Madam Veron sa Mansyon. . ." sagot ni Ate Ferlyn.

Wala akong nagawa kundi kunin ang mga gamit ko. Sinubukan kong pumasok sa Vitro E, ngunit ang sahod ko nalang ang binigay nila kaya ipinadala ko lahat ng pera kina Popshie para sa negosyo nila ni Mama.

May laman pa naman ang wallet ko saktong pamasahe papunta sa apartment ni Bria sa Makati.

"Manong sa Makati po tayo." sabi ko sa driver ng mapansing iba ang dinadaanan namin.

Tumigil ang sasakyan at lumingon sa akin ang driver. Kuminang ang silver sa kaniyang ngipin ng ngumisi ito at tinutukan ako ng baril.

"Miss holdap to!"

Itinaas ko ang aking kamay. "Manong naman! Pati ba naman kayo dadagdag sa kamalasan ko?. . ."

"Wala akong pake sayo, basta ibigay mo sa akin lahat ng pera mo!" sabi niya at kinasa ang baril.

Napairap ako. "Minamalas nga naman."

"Ibibigay mo ba o papatayin muna kita?" pananakot pa niya.

Nanginginig ang kamay kong binigay sa kaniya ang lahat ng mga gamit ko pati ang cellphone. Wala naman siguro akong balat sa pwet pero bakit ang malas malas ko?

Nang makalabas ako sa taxi, sumigaw ako ng tulong sa mga taong dumaraan. Napatingin sila sa akin, ngunit linalagpasan lang ako.

"Tulong po hinoldap ako ng driver kanina!" sabi ko sa babaeng nagtitinda ngunit inismiran lang ako.

"Nako Miss bulok na yang style mo. Kung ako sayo magpokpok kana lang kaysa mambudol." sabi ng babaeng bumibili.

Tinapik ako ng isa."Bagay ka sis sa club ko." sabi nito.

Umiling ako at iniwan sila. Nanghihinang napaupo ako sa gilid ng bangketa. Ang malas talaga, pinagkamalan pa akong mambubudol at pwedeng maging pokpok.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now