C H A P T E R 14

1.2K 53 0
                                    

C H A P T E R  1 4

Brianna Amy Dela Cruz PoV,

"Oh Boss saan ka pupunta?" tanong ko.

Wag niyang sabihin ako na naman ang tatapos lahat ng sangkaterbang papeles? tapos siya? makikipaglandian sa bestfriend ko? Magaling din tong kupal nato.

Malamig niya akong tinignan. "To my girlfriend."

Tumayo ako at patakbong pumunta sa kaniya. Nalula ako sa kagwapuhan niya, pero hindi ako papayag na mag-oovertime na naman ako dito.

Humarang ako sa pinto. "Boss! Deadline bukas lahat yan. Wag mo naman ipagawa lahat ulit yan sa akin. . . papagalitan ako ng Head kapag mali na naman ginawa ko." pahayag ko.

Napahilot ito sa sintido.  "Just do your job."

Hindi ako reklamadora, malaki ang sahod ko dito sa Prime Whyxz ang kaso si Mrs. Gabuat, masyadong "Time is gold" ang peg nun.

"Pero Boss!"

"Ms. Dela Cruz. "

Bukas ang deadline ng lahat ng mga kontrata, hindi ko matatapos lahat ng ito hanggang bukas. Kakailanganin ko pang unahin ang presentations namin para sa negotiation sa Taiwan.

Maiimbyerna na yata ako dito sa office, si Boss Khalix nalang dapat ang ipatulfo ko laging wala sa trabaho, kapag nandito naman siya laging katawagan ang bestfriend ko.

"Teka Boss, may nangyari ba kay Bff? Diba kanina mo pa siyang tinatawagan?" tanong ko.

Makailang beses ko kasi kaninang narinig na tinatatawagan niya si Bff, pero walang sumasagot. Baka napano na naman yun, nung nakaraang dalawang linggo lang sinaktan siya nila Margaux.

Galit ako sa ginawa nila sa bestfriend ko, pero hindi ko lubos maiisip na ganun kasaklap ang karma nilang apat. Napabalita lang na magkakasabay na kinidnap sina Margaux, Donna, Jane at Lorie.

Hindi sila pinatay, pero tinortured sila at ilang beses raw na ginahasa ng iisang tao lang. Sa sobrang galit ng mga pamilya nila, Si Bff ang tinuturo nilang mastermind.

Hindi pa tapos ang kaso, napawalang sala ang kaibigan ko dahil hindi siya ang tinuturo nilang gumawa nun sa kanila. Hindi rin lumabas sa media ang tungkol dun, pero totoo kaya kayang gawin ni Sir Kaizhee ang mga bagay na yun?

Napasubsob ako. "Aray!"

"Surprise Bff! Surprise Love!"

Umawang ang bibig ko ng makitang kasama niya sina Archie. Mabilis akong tumayo at inayos ang sarili, napatigil ako saglit ng sumunod sa kaniyang pumasok si Capt. Quiro na masama ang timpla.

"Love thank you for the surprise!"

Humagikgik lang kaibigan ko at yumakap kay Boss. Nanliit ang mata ko ng mapansin si Sir Kaizhee, dito siya sa Prime Whyxz nagtatrabaho pero kung makasilip ang manyak.

Sinundan ko ang tinitignan niya. Kay Bff ito nakamasid. Kinabahan ako, what if totoo yung accusations nila Margaux kay Sir Kaizhee. Na ito ang gumahasa sa kanila?

"Dude pasok ka!"

Umiling ito at basta nalang umalis. Napansin ko ang tinginan nila Archie at Boss Khalix, tumango tango lang si Archie na tila ba nag uusap sila gamit ang tingin.

"Si Raquel?" paghahanap ni Bff sa kaniyang likuran.

Napakamot batok sina Jared at Copper. "Binan siya dito diba Dude?" tanong ni Copper.

"Bakit?"

Kahit matagal ko nang nahahalata noon si Sir Raquel at si Bff na may something silang dalawa, I can't still believe na kasal sila.

Feel ko yung sakit na nararamdaman ni Sir Raquel, kasalanan niya eh. Ang effort effort ng kaibigan ko pagdating sa kaniya pero laging binabaniwala niya. Ngayon para siyang batang nakikipag agawan kay Boss Khalix.

Sa mata man ng batas ay sa kaniya si Bff, pero sa mata ng Diyos si Bff ay para lang kay Boss Khalix.

Hindi ako nakapag aral sa AU, pero sa lahat ng nagkagusto noon at nanligaw kay Bff medyo namumukhaan ko sina Sir Kaizhee at Boss Khalix.

Di ko sure, sa tuwing napapatitig ako kay Sir Kaizhee. Naalala ko sa kaniya yung nerd na photo journalist college students na laging nangungulit sa kaibigan ko.

Si Boss Khalix, naalala ko lang na may inabot siyang box sa bestfriend ko nung kumakain kami ng fishball sa may park. Highschool palang sila pero malinaw sa memorya ko ang asaran nila Copper at Jared habang inaabot ni Boss Khalix ang regalo niya kay Bff.

Naikwento ko na to sa kaniya dati, pero hindi naniniwala ang babaita. Kesyo daw nag-i-imbento ako ng kung ano ano, mangarap nalang daw ako sa meron kaysa sa imposible. Pero ngayon, dinaig pa ako ng babaita, dinalawa pa ba naman.

"Bff!"

Nabalik ako sa realidad. "Ha?"

"Kanina kapa kinakausap ni Archie, bakit ba nakatitig ka sa akin? Gandang ganda ka sa akin noh?" tumatawang tanong niya.

Ngumiwi ako. "Si Boss Khalix kasi Bff"

"Khalix! Pinagalitan mo si Bria?!" naiinis niyang tanong sa Boss ko.

Ngumuso ako at inunahan si Boss Khalix. "Sa akin pinapagawa lahat ng yan oh" turo ko sa tambak na papeles.

"Ms. Dela Cruz."

Kiming ngumiti ako. "Yes, Boss Khalix?"

"You're fir-"

Hinawakan ako ni Bff sa kamay. "Subukan mo, babalikan ko si Raquel diyan sa labas at tatanggapin ko ang alok niyang date." banta niya.

Namutla si Boss Khalix sa sinabi ng Bff ko. Mahina kaming nagtawanan nila Jared, bumeso pa ako kay Bff, sa kaniya pala takot si Boss.

"Dude takot yarn?" asar ni Archie.

Binato niya ng ballpen ito. "Fvck you!"

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now