C H A P T E R 58

338 25 0
                                    

C H A P T E R  5 8

Giselle Perez PoV,

Dalawang linggo na kaming nandito sa Resthouse ng Boss nila Ate Veron, matapos nila akong maitakas ng walang kahirap-hirap.

Wala na nga ako sa kulungan pero ang malas dahil hindi ako makalabas dito. Bukod sa kalat na sa buong bansa ang nangyari sa pagtakas ko ay Isang daang milyon ang nakapatong sa ulo ko.

"Rogue!"

Malamig niya akong tinignan. "What?"

"Ano yang ginagawa mo? Magbe-bake ba tayo?" tanong ko sa kaniya ngunit isang bagot na ekspresyon lang ang binigay niya.

Hindi siya nagsalita at binigay sa akin ang isang mask. Isinuot ko iyon at tinanggap ang mga ingredients na ibinibigay niya.

"Paghahaluin ko ba lahat ng ito?" tanong ko ngunit hindi siya sumagot.

Tumikhim ako. "I will mix all of this?"

"Yah. . ." tipid niyang sagot.

Bahagya akong lumayo ng may inihalo siyang umuusok na liquid. Pinigilan niya ako ng tangkain kong tanggalin ang suot kong mask, gusto ko sanang tignan kung ano ang naging resulta sa nilagay niya.

"Wow! Parang ang sarap!"

"It's dangerous." pagpatigil niya.

Yumakap ako kay Ate Veron, kasama niyang dumating ang asawa niya at galing sila sa kanilang Boss dahil may bitbit na naman silang mga pera.

"That's not a food." pagpigil ni Rogue nang tangkain ng kapatid kong kumain sa ginawa namin ni Rogue.

Ibinaba ni Ate Veron iyon. "Oh."

"Boss K is mad. . ." saad ng asawa ni Ate.

"My bestfriend is mad." tumatangong saad ni Roque at muling isinagawa ang proseso gaya kanina.

Ang Bestfriend ni Rogue at ang Boss nila Ate Veron ay iisa. Minsan ko nang nakita ang misteryosong lalake ngunit hindi ko siya makilala dahil sa suot niyang maskara, pero malakas ang kutob kong kilala siya nila Ayesha.

Sa bawat sulok ng bahay ay nakasabit ang ilang daang larawan ni Ayesha. Muntikan na niya akong mapatay ng sinira ko ang mga stolen pictures at portrait ni Ayesha sa kwarto ko, nakakainsulto lang kasi parang pinagmumukha niya sa akin na mas maganda ang babaeng yun kaysa sakin.

Ngunit sa lahat ng mga nakasabit na larawan ni Ayesha, isa lang ang nakakuha ng atensyon ko. Ang malaking portrait sa pinakadulong kwarto kung saan nakahubad ito.

Tinanong ko kay Ate Veron kung bakit may ganoong portrait ang Boss nila, pero wala siyang naisagot. Mabuti nalang daw at hindi ako nakita ng Boss nila, dahil ang kwartong iyon ay sa kaniya lang at walang pwedeng pumasok kung hindi siya lang.

Dalawang beses kong pinasok ang kwartong iyon, nakukuryos ako kung bakit ang dami niyang litrato ni Ayesha, subalit wala na ang hubad na litrato ni Ayesha sa loob pero ang nadatnan ko ang mga nagkalat na undergarments, sandals at dress. Ang hula ko ay kay Ayesha lahat ng yun at kinokolekta niya para pagnasahan.

Ang taong makakagawa lang ng mga bagay na yun ay may sakit sa utak. Obsessed siya kay Ayesha, at mayroon itong sexual desires sa babaeng yun. Iniisip ko narin kung paano ko mapapatay ang babaeng iyon kung ang Boss nila Ate ay may gusto sa kaniya.

"Where are they?" pagbasag ni Rogue sa sandaling katahimikan.

"Arturo pakipasok sila. . ."

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now