C H A P T E R 37

904 33 13
                                    

C H A P T E R 3 7

Unlimited stress? shutang ina. . . bwisit na Kaizhee, napaka-kapal ng pagmumukha ng unggoy na yun. Pinagkalat ba namang jowables ko siya?

Stress na stress na nga ako sa Vitro E, dumagdag pa ang unggoy na yun. . . pinagbubogbog ba naman yung mga nanliligaw sa akin dito at ang malala si Amir ayun nasa hospital at comatose ngayon dahil pinalo daw ng tubo ni Kaizhee sa ulo.

Ewan ko ba kasi, kung bakit laging napaparito ang unggoy na yun. Hindi naman nagdadala ng mga pagkain o kung ano-ano, madalas dito lang siya sa office ko, tumatambay at minsan natutulog.

"Miss CEO, may bisita po kayo." sabi ni Glenda, sekretarya ko.

Napasandal ako. "Bwisita kamo. . ."

"Goodmorning, Babe." sabi ng unggoy.

"Ulol!" pagmura ko.

Napairap ako ng nginisihan lang ako neto at parang hari na umupo sa sofa. Nagtaka ako ng may nilapag na mga papeles ang tauhan niya bago ito nagpaalam na umalis.

Nanliit ang mga mata ko. "Ano yang mga yan?"

"I'm going to work here, babe." ngising sagot niya.

Tumayo ako. "Wtf? Hoy unggoy! may sarili kang firm, bat hindi ka dun magtrabaho?!" bulyaw ko.

"Hmm?"

"ATTORNEY KAIZHEE TREVOR!" naiinis kong sigaw.

Bored niya lang akong tinignan. "The case is close. . ."

"Shutangina!" pagmura ko at pabagsak na umupo.

Alas dos y media na nang matapos ako sa ginagawa habang siya ay nakapokus parin sa mga kasong hinahawakan niya.

Isinumbong ko siya kanina kay Capt. Jack, at nalaman ko ang dahilan ng palaging pagtambay niya sa office ko ay dahil sa nag-away sila ng pinsan niyang gago kaya hindi siya pumupunta sa firm niya.

"Hoy unggoy. . . labas na muna tayo, meryenda lang tayo diyan sa labas." sabi ko.

Tinanggal niya ang suot niyang spectacle. "H-hindi ako gutom." tipid niyang saad.

"Weh?"

"Yeah. . ."

Tumaas ang kilay ko, hindi naniniwala. "Libre ko, tatanggi ka pa ba?"

"Okay. . ." may multong ngiti sa labi nito at umiwas.

Napasinghap ako sa biglaan niyang paghawak sa aking braso. . . possesive siyang umalalay sa akin na akala mo naman ay para akong bata na madaling mawala.

Naiiling kong tinanggal ang kamay niya ng dumako ang tingin ko kay Quiro na nakataas ang kilay sa akin. Mapanuya ring tumingin si Capt. Jack at may sinenyas kay Kaizhee na hindi ko naman naintindihan.

"I don't care." sabi ni Kaizhee, muli niyang ibinalik ang kamay niya sa braso ko.

Hindi ko maintindihan ang mga kilos ng mga empleyado ko. . . para silang nakakita ng multo at nagsitago sa kanilang mga cubicle. Sina Manong Guard rin na madalas kong kakwentuhan ay tikom ang bibig.

"Augustus, nalaglag mo yung id mo!" sigaw ko.

Nakayukong humarap ito sa akin. "M-mmiss CEO. . ."

"Insan nanginginig ka, ayos ka lang ba?" pag aalala ko.

Paulit ulit siyang tumango at hinahagilap sa lapag ang hinahanap niya. Naiiling akong lumapit ngunit agad din akong tumigil ng pigilan ako ni Kaizhee. Kinuha niya sa akin ang id at siya na ang nag-abot kay Augustus.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now