C H A P T E R 3

1.8K 57 2
                                    

C H A P T E R  3

"Laughtrip talaga!" pagtawa ko.

Makailang beses ko nang pinanood ang nangyaring engagement party nila Raquel at Veronica kagabi sa cellphone ni Khalix.

Hindi ako makaget over sa nangyari, ini-adjust nila Raquel ang kasal nila. Laman narin ng balita si Veronica dahil sa nagkalat na mga sex scandal nito.

Tumunog ang cellphone nito. Aakmang ibibigay ko kay Khalix nang makita ko kung sino ang caller id.

Aba! Si Veronica, paanong may contact number si Khalix sa kaniya?

Sinilip ko si Khalix, hindi parin siya lumalabas sa banyo. Wala naman sigurong masama kung ako ang kakausap sa babaeng to noh?

"Tulungan mo akong linisin ang pangalan namin ni Raquel or I will cancel the contract. . ." bungad niya.

Iniloud speaker ko ito ng lumabas si Khalix. "Who's that?" tanong nito.

"Wow nakalimot ka yata Mr. Trevor? Matapos niyong sirain ang engagement party namin kagabi ng walang hiyang babaeng yun?" sabi ni Veronica.

Lumapit sa akin si Khalix. "What do you want?" tanong niya.

"Tulungan mo akong linisin ang pangalan namin ni Raquel or I will cancel the contract." sagot nito.

Nagkatinginan kami nito. Sumandal siya sa akin, napa-hmmm lang ito at mukhang inis na inis na si Veronica sa kabilang linya.

"Alam mo namang malaki akong kawalan sa kompaniya mo?. . . I am a famous-" hindi na siya pinatapos ni Khalix sa pagsasalita.

"You're just a trash. I don't care if you will breach the contract. . ." sagot nito at pinatay ang tawag.

Saglit kaming nagkatinginan, nauna siyang umiwas ng tingin. Malaya kong napagmasdan ang kabuuan niya, napakagwapo nga talaga.

Nang makaramdam ako ng antok, napahikab ako at pumunta na sa kama. Ilang minuto lang ay sumunod din ito at tumabi ito sa akin.

Hinaplos nito ang aking pisngi. "Damn! You're so fvcking beautiful." nakapikit parin ako at pinigilang mapangiti sa naririnig.

"Am I late to love you?"

Pasimple akong gumalaw. "Hmmmm."

Ilang saglit lang ay naramdaman ko na naman ang paglapit niya sa akin at iniusog ng konti ang sarili. Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil pisil.

"Ayesha, do you know my last name suits on you hmmm?" pagkausap niya sa akin.

Tumatama ang hininga niya sa aking mukha. "Ayesha Madrigal-Trevor" malambing niyang binigkas ang pangalan ko.

Tumunog ang cellphone niya. Maingat siyang umalis sa kama, napamulat ako at sinundan siya ng tingin. Nakaharap ito sa bintana kaya malaya kong nakikita ang mala-adonis na likuran niya.

"We're okay. . ."

Pumikit ako ng lumingon ito. "Nahhh just tell to that moron, he will never get my girl. . . Ayesha is mine, only mine Dude." sagot niya sa kausap.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now