C H A P T E R 24

896 33 0
                                    

C H A P T E R  2 4

"My Son. . . Fvck! He is in coma!"

Yakap ako ni Papa habang hindi na matigil sa pagwawala si Mr. Kin, dumating narin ang mga pulis ngunit wala silang palag nang humarang ang mga tauhan nila Uncle Logan.

"Damn! Son please wake up!" paghagulgol ni Mr. Kin at nagpakawala siya ng maraming putok ng baril sa kisame.

Dumating ang isang mestisang ginang, at lumapit iyon sa kaniya. Binatukan siya nito na siyang nagpatigil kay Mr. Kin.

"Ate Kana."

Tinampal niya ang noo nito. "Hayst! Akala ko si Kenzo lang ang poproblemahin ko, pati ba naman ikaw?" sabi ng ginang.

"My son is in coma. . . I can't lose him, Ate Kana."

Sumilip ang ginang sa ICU room, lumamlam ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa natutulog na si Khalix at liningon muli si Mr. Kin.

"Hayts! Mukha kang ewan Kin, ano bang sinabi ko sayo?. . . Manalig ka lang sa Diyos." aniya ng ginang.

Sumubsob ako kay Papa ng pinasadahan niya ang buong paligid. Ayokong mapansin ako nito, baka mamaya kagaya din siya ni Elaiza na masakit magsalita.

"Tita Kana!" boses iyon ni Elaiza.

Sumilip ako at nakita ko ang pagngiwi ng ginang ng yumakap sa kaniya si Elaiza.

"Anong ginawa mo kina Eliaz?"

Ngumuso ito. "Wala naman, Tita."

"What about his siblings?" tanong ng ginang.

Natahimik si Elaiza, nakatanggap siya ng malakas na sampal. Hinanap ko si Kaizhee, nakatingin lang siya sa akin. Wala ba siyang gagawin? O kahit tutulungan manlang sana ang kapatid niya?

"Subukan mong saktan ulit ang pamilya ng kapatid ko, ako mismo ang makakalaban mo. . ." aniya.

"Inagaw nila si Dad sa amin, nararapat lang na magdusa sila. . ." sabi ni Elaiza at umalis.

Natahimik kaming lahat ng nagpaalam ng umalis ang kapatid ni Mr. Kin dahil aayusin na muna raw niya yung gusot ng kapatid nilang si Kenzo.

Umaga na at nagsidatingan ang ilang mga pinsan nila Khalix. Nakadikit lang ako kay Papa, kahit abala siyang nakikipag usap kina Tito Kherro, Uncle Logan at Tito Richie.

"Where is Elaiza?" tanong ng babaeng kulay blonde ang buhok.

Nagtama ang tingin namin ni Kaizhee. "Busy. . ."

"Hi Raquel, how are you?" nang-aakit na tanong ng babaeng morena kay Raquel.

Umirap ito. "I'm fine, Hazel."

"Woahh parang hindi nasarapan sa akin ah. . ."

"Your mouth, Hazelea!" suway ni Copper.

Napatayo kami nila Papa ng magkasabay na dumating sina Mama, Popshie at ang isang magandang ginang na kulay kayumanggi rin ang mga mata gaya ni Khalix. Hindi kaya siya ang Mama ni Khalix?. . . pero wala akong napabalita tungkol sa Mama niya.

"Wife." pagyakap ni Papa kay Mama.

"Ano yung nabasa ko sa Gc. . ." bungad ng ginang.

Sayang lang, hindi sila nagpang abot nung kapatid ni Mr. Kin. . . magkahawig kasi silang dalawa, parehong magaganda. Pero mas maganda si Mama sa kanilang lahat. . .

"Sayang Tita, hindi kayo nagpang-abot ni Tita Kana"

Nanlaki ang mga mata niya. "Akala ko ba, nasa Europe ang maldita kong kaibigan?. . ." tanong niya kina Jared.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now