C H A P T E R 46

647 30 5
                                    

C H A P T E R  4 6

"Giselle was the only girl that I love! Can you stop fvcking chase huh?! I will never fell inloved to a bitch like you!" sigaw niya na ikinawasak ng puso ko.

Natutop ko ang sariling bibig at ilang beses na umiling. Nagtangka akong lumapit sa kaniya ngunit para siyang nandidiring lumayo sa akin.

Tatanggapin ko lahat ng mga masasakit na salita mula sa kaniya, basta lang ay malinis ko ang pangalan ko sa nangyari kanina.

Umagos ang luha sa aking pisngi. "Love, galit ka lang. Alam kong hindi mo magagawang sabihin yan sa akin." pagsusumamo ko.

"Why can you understand? I don't fvcking love you!" sigaw niya.

Yinakap ko siya ng mahigpit. "You don't mean it, Love. Nabulag ka lang ng galit sa nangyari. . . pero alam kong mahal mo ako." humihikbing sinabi ko.

"Damn this woman!" aniya.

Nawalan ako ng balanse ng itinulak niya ako palayo sa kaniya. Napangiwi ako ng aksidenteng tumama ako sa pader.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya, kumirot ang puso ko nang makitang walang pagsisi niya akong tinitignan.

"Let me explain everything." sabi ko.

Mabilis akong tumayo at hindi pinakitang nasaktan ako sa ginawa niya. Sinubukan kong lapitan siya ngunit sumalubong ang matalim niyang tingin.

"K-khalix. . . wala akong kasalanan sa nangyari kay Giselle." pabulong kong sinabi.

Nagsusumamong lumuhod ako sa harapan niya. . . kahit sobrang sakit pinilit ko paring ngumiti na parang walang nangyari.

"Maniwala ka sa akin." dagdag ko.

Kumuyom ang kamao niya. "You're unbelievable bitch."

Pinigilan ko siyang umalis, yumakap ako sa kaniyang tuhod. Marahas siyang napabuga at pilit niyang tinatanggal ang pagkakapit ko sa kaniya.

"Love, m-maniwala ka h-hindi ko talaga s-siya tinulakNagkasagutan lang kaming d-dalawa pero nang d-dumating kayo. . . b-bigla nalang niyang s-sinaktan yung sarili niya pagkatapos nun n-natumba na s-siya." pagpapaliwanag ko.

Dumilim ang kaniyang mukha at nagsilabasan ang litid sa kaniyang leeg. Napasinghap ako nang walang kahirap-hirap niya akong hinawakan patayo, mabilis niyang dinagma ang aking leeg. Mariing napapikit ako ng sinakal niya ako at isinandal paangat sa pader.

"You bitch!"

"K-khalix. . ." nahihirapan kong sinabi.

Umagos ang aking luha habang linalabanan ang galit na galit niyang mga mata. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya ngunit lalo lang iyong dumidiin.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now