C H A P T E R 50

623 26 1
                                    

C H A P T E R  5 0

Hindi nga ako binigo nila Alexandra, sa kulungan ang bagsak ng tatlo, subalit ilang araw lang ang nakalipas ay nakapagpiyansa sina Elaiza at Irene.

Si Kaizhee ang kasalukuyang humahawak sa mga kasong isinampa sa akin ni Giselle, hangga't wala silang ebidensya ay hindi ako makukulong. Paano ba naman kasi sila magkakaroon ng ebidensya, eh ni hindi ko naman talaga pinakidnap ang bruha.

"Thank you so much Bff sa pagpunta."

Ngumiti ako at yinakap siya. "Sure na sure ka na ba talaga kay Archie? Alam mong babaero yan noon." sabi ko.

"Noon yun Bff, ngayon nagbago na siya." aniya at nanggigigil niya akong hinalikan sa pisngi.

Ngayon ang stag party para kay Archie. Imbes na maghire si Bria ng strip dancer, ay kami na ang kinuha niya. Hindi naman ako makatanggi dahil ngayon lang ulit siya nagrequest.

Hindi ko kilala ang limang kasama namin nila Rabiya. Ang sabi naman ni Bria, ay mga ka-flings sila nila Jared at ang isa sa kanila ay girlfriend ni Hashii.

"Ang super duper sexy natin!" puri ni Bria sa mga suot naming red corset top mini skirt na bumagay din naman sa akin.

Isa-isa kaming pumasok sa loob ng malaking kahon. May redlights sa itaas kung saan nakikita ko ang mga nakangising asong kasama namin.

"Cherry kapag talaga sinabi mo kay Sir Kaizhee ang plano, malalagot ka sa akin." sabi ni Bria sa babaeng kanina pa akong tinataasan ng kilay.

Mahinang tumawa ito. "I want to surprsie him too. . ."

Natahimik kami ng marinig namin ang malakas na tawanan at kantyawan ng mga tukmol. Aba! pinapangunahan pa talaga ni Khalix ha?! Humanda siya sa akin mamaya!

"Dude what if maging under si Archie kay Bria? Nako po! Wala na ang badboy sa grupo natin!" pagtawa ni Jared.

Tumikhim si Archie. "Ayos lang kahit sundan ko pa ang yapak ni Andres Bonifacio, ang mahalaga mahal namin ang isa't isa." sagot nito.

"Ayunnnn!" kantyawan nila.

Mahinang nagsitawanan kami dito sa loob. Sinundot ko ang tagiliran ni Bria, kahit redlights ang ilaw halatadong kinikilig ang gaga.

"Sanaol nalang Bria." bulong ko.

"Kuya anong laman niyan?" kuryos na tanong ng mga tukmol sa pinaglalagyan namin.

"Ay Ser, surprise ho." sagot ni Manong.

"Uh I think sexy girls?" patanong na sinabi ni Khalix at sinabayan pa nito ng pagtawa.

Humanda ka talaga sa akin mamaya, Khalix!

"Kai give up kana sa plano mo, ang daming chicks diyan makikiagaw ka pa." sabi ni Copper.

"They're talking about me?" kinikilig namang sinabi ni Cherry.

Umakbay sa akin si Bria. "Di mo sure."

"It's okay for me, may the bestman win." rinig kong sinabi ni Khalix.

"Baliw to! 50/50 nga lang ang chance mo kay Ayesha. Kung hindi lang sa may anak kayong dalawa. . . hinding-hindi ka hahayaan ni Tito Leo na makalapit sa anak niya." sabi ni Archie.

"I know she's still inlove with me." sabi ni  Khalix.

"Sabihin natin na mahal ka parin niya pero sa lahat ng mga kagaguhang ginawa mo at sinabi sa kaniya? Isipin mo, hindi kaya mas galit siya sa'yo?" sabi ni Copper.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now