C H A P T E R 15

1.2K 64 22
                                    

C H A P T E R  1 5

Ayesha Madrigal PoV,

"Dude ang baba na ng ratings ng Vitro E. . . kaya ka siguro tinanggal ni Uncle Arnold sa pwesto mo" boses iyon ni Jared.

Humalukipkip akong sinulyapan ang pwesto nila. Kumpleto silang lahat, nandito rin sina James at Kyle sayang lang at wala si Bria dahil ito ang umaattend sa mga meeting ni Khalix.

Tinapik ni Kyle sa balikat si Raquel. "How can we help you, Dude?" tanong niya.

"Investment." sabi ni Archie.

"I can help you, just sign the annulment paper." suhestiyon ni Khalix.

Umiling si Raquel. "No need. Vitro E is just nothing for Dad even for me" sagot niya.

Nagtama ang mga mata namin. Dumaan ang lungkot sa kaniyang mga mata, hindi pa rin ako handang makinig sa paliwanag niya. Natatakot ako, ayokong maguluhan sa nararamdaman.

Hindi ko maitatagong mahal ko parin siya, pero alam ko sa sarili kong mas mahal ko si Khalix. Kung may bagay man akong hindi pinagsisihan kay Raquel ay ang nakilala ko siya at minahal.

"Aye ilan ang sahod mo noon kay Raquel?" tanong ni Archie sa akin.

Kunwaring napa isip ako. "Sakto lang pampadala kina Popshie." kiming sagot ko.

"Ilan nga?" tanong ulit nito.

Ngumisi ako. "Depende sa performance, kung magaling ak-"

"What the hell!" sigaw ni Khalix.

Natawa ako ng mabulunan si Raquel sa iniinom niyang alak. Napansin ko ang masamang tingin ni Kaizhee, pero binaniwala ko lang at pinagpatuloy ko ang ginagawa.

"Joke lang. 37k a month yung sahod ko." bawi ko.

"Ang baba" komento nila.

Umismid ako. "Pero nung last 100k yata di ko na matandaan. . ." sabi ko.

Umilaw ang cellphone ni Khalix. Liningon ko ito, busy silang lahat sa pinag uusapan nila. Sina Raquel at Kaizhee ay parehong nakakuyom ang kamao habang nakikinig sa binubulong ni Hashii.

Tumayo ako. "Labas lang ako. .  ."

"Good!" sabi ni Archie at nagthumbs up pa ang loko.

Kinuha ko ang cellphone ni Khalix at pumunta sa may gazebo. Atty. Irene Reyes ang nasa Id caller. Hinaplos ko ang aking tiyan, ng makaramdam ako ng inis ng walang dahilan.

"Khal, mahirap ang pinapagawa mo. Bakit ba kasi gustong gusto mong pakasalan ang babaeng yun? Claire deserve you. . . kung dahil nabuntis mo lang si Ms. Madrigal pwede namang sustentuhan mo nalang ang bata." sabi nito.

"Para mas malinis, sabihan mo nalang si Ms. Madrigal na ipa-abort ang bata para wala ka nang poproblemahin pa. . ." dagdag niya.

Wala sa sariling inihagis ko ang cellphone, napunta ito sa may fountain. Napasapo ako sa aking dibdib ng makaramdam ng galit at kirot. Ganun ba ang tingin nila sa akin? Nabuntis lang ako kaya pinanagutan? at isang malaking problema?

Bumalik ako sa loob. Nag-uusap parin silang lahat, mabuti nalang at walang nakapansin sa pagdaan ko. Kung mas deserve ni Claire si Khalix, edi sa kaniya na, kaya ko namang bumuhay ng bata.

"Umiyak ka?" tanong ni Quiro ng makasalubong ko sila. Kasama niya yung mga nakamaskara, hindi ako kumibo at naglakad nalang papasok sa kwarto ko.

Hinanap ko ang maleta. Inilagay ko lahat ng mga damit ni Khalix, pati ang laptop niya. As if, ako ang mag-aadjust? Pwede ko namang i-empake nalang si Khalix tapos ipapadala ko nalang kay Claire, sabagay mas deserve nila ang isa't isa.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now