C H A P T E R 41

966 40 19
                                    

C H A P T E R  4 1

Napaigik ako sa pagkabigla ng itinulak ako ni Yna palapit kay Khalix, napahawak ako sa magkabilang balikat nito. Tumampal sa aking mukha ang hawak nitong pumpon ng sunflower.

"Opps!" hagikgikan ng dalawa.

Hinila ako ni Kalin palayo. "Yshianna Marie! Stop it."

"Sorry Kalan." nakangusong aniya.

Si Khalix ang naging tourguide sa pamamasyal ng mga bubwit dito sa Hacienda, kahit hindi ako nakikinig sa sinasabi niya ay kabisadong kabisado ko naman ang lahat ng sulok dito hanggang sa mga kabayahan kina Tiyo Suhil.

Tagsibol ngayong buwan, maganda ang pamumulaklak ng mga halaman sa malawak na hardin ni Aunt Kana, kapatid siya ni Papa Kin na palaging nagtatravel abroad.

"Flowers!"

"That's flowers was called Adelfa." sabi ni Khalix habang tinuturo ang kulay rosas na bulaklak.

Nanlaki ang kanilang mga mata. "Wow."

"What about that Kuya Sungit?" turo ni Aileen sa kulay greenish-blue na pahabang bulaklak.

Ngayon ko lang nakita ang ganitong klaseng halaman. Sa pagkakaalala ko, wala akong napansing ganiyan na bulaklak dito noon?

"Jade Vine Flower." sagot ni Khalix.

"Wow! I love the color Ninong Sungit!" exaggerated na pagkakasabi ni Yna.

Manghang mangha ang dalawa, samantala ang anak ko ay nakakapit sa laylayan ng dress ko at titig na titig kay Khalix na nagsasalita sa unahan namin.

"Kalan, let's take a picture here!" sabi ni Yna, at nagtatalon sa tuwang pumunta sa isang magandang spot.

"Kalan let's take a picture!" 

Nag angat ng tingin sa akin ito. "Can I, Mimi?"

"Wait, ako na ang magpipicture." sabi ko at hinalikan siya sa pisngi, napabungisngis naman itong tumawa bago pumunta kay Yna.

Pinost ko ito agad sa Ig, ilang segundo lang ay umani iyon agad ng reaksyon at libong likes. Natawa nalang ako ng mabasa ang comment ni Kaizhee, 'nagbibinata na daw ang anak niya' at binara siya nila Copper sa comment section.

"Ang gwapo talaga ng anak ni Senyorita at Senyorito Khal."

Napalingon ako sa kinaroroonan nila. Parang hinaplos ang puso ko ng makitang pinupunasan ni Khalix ang likuran ni Kalin, at pinainom pa niya ito ng tubig.

Tahimik lang ang anak ko na nakikinig sa usapan ng mga taga-dito, kahit anong pagtakip ko sa katotohanan alam kong aware na siya na si Khalix ang biological father niya.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan silang dalawa, lahat ng anggulo ay halos magkaparehas. . . si Kalin ang mini version ni Khalix.

"Boo!"

Napahiyaw ako sa takot at patakbong lumapit kina Khalix. Napabuga ako ng hangin ng marinig ang tawanan nila Yna at Aileen sa dati kong pwesto kanina.

"Yna! Aileen!" singhal ko habang sapo ang aking dibdib.

Napatakip ng bibig si Aileen, malakas namang tumawa si Yna habang tinuturo ako. Naiiling akong umupo at napapikit sa sobrang inis, ginulat ba naman ako?

"Damn, Love. . . Fvck!"

Napamulat ako ng may humawak sa bewang ko at idiniin ako pababa. May kung anong tumutusok sa pwetan ko kaya gumalaw ako, pinakaramdaman ko ano iyon ngunit nakarinig lang ako ng daing sa likuran ko.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now