C H A P T E R 51

692 29 4
                                    

C H A P T E R 5 1

Giselle Perez PoV,

Letseng Ayesha! Lahat nalang ng mga plano ko para sa amin ni Khalix sinira niya. Bakit ba kasi hindi pa sila namatay ng salot niyang anak?!

Ilang beses ko nang ipinapatay sa mga tauhan ng kapatid ko nakakaligtas parin sila. Arghh! Hindi pa kasi natuluyan yung bata nang sinagasaan ko ito noon.

''Ms. Perez may bisita ka. . ."

Kahit nandidiri ako sa pulis na'to, pinilit kong nginitian ito. Sabagay kung hindi dahil sa kaniya paniguradong ilang araw na akong ginugulpi ng mga kadiring preso dito.

"Gwapo ba?" tanong ko.

Hindi siya sumagot at bahagya itong nakatitig sa akin. Lihim akong napairap at hindi napigilang pitikin siya sa kaniyang noo. Tila wala siya sa sarili at mabilis itong tumango.

"Sabihan mo yung fiancè ko, saglit lang at mag-aayos lang ako." nakangiting saad ko bago ko siya tinalikuran.

"Huh?!"

Bumalik ako sa sarili kong selda. Hinalughog ko lahat ng mga dress na pinadala sa akin ni Elaiza. Napangisi ako ng makita ang red ruffle hem dress, ito yung birthday gift sa akin ng fiancè ko.

Sinasabi ko na nga ba, hindi parin ako matitis ni Khalix. Kahit anong panlalason ang gawin ni Ayesha sa utak niya, ako parin ang pipiliin niya.

"Aba lalandiin mo yung pulis?"

Masama kong liningon yung nagsalita. "It's none of your business." pabalang kong sagot.

Suot ko ang engagement ring ko at nangingiting lumabas sa selda. Sigurado akong maglalaway si Khalix kapag nakita niya ako ngayon.

"Tabi!" pagtulak ko sa dalawang tsismosa.

"Huy akala mo kung sino ka ha! Gusto mong basagin namin yang pagmumukha mo?" aniya.

Umirap ako. "Go ahead."

Aakmang sasaktan nila ako ng dumating yung pulis kanina at sinuway niya ang mga ito. Napairap ako ng lapitan niya ako at pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Ang sexy mo Ms. Perez." paos niyang bulong.

Napapitlag ako ng hawakan niya ako. Binilisan ko ang paglakad papunta sa visitors area. Nangunot ang noo ko ng mapansin ang isang bata na may itinatapon na mga bagay sa gilid.

"Nakakalibog si Ms. Perez gagii!"

"Kaya naman pala bantay sarado si Chief, jackpot siya kapag nakuha niya yan."

Hindi ko maiwasang pandirihan ang mga naririnig sa mga pulis. Pero kahit ganun excited akong makita si Khalix.

Tumikhim ako. "Where is he?"

"Table 9."

Dagli akong pumunta sa table na iyon ngunit agad naglaho ang ngiti sa aking labi ng makita kung sino ang bumisita sa akin. Hinanap ko sa paligid si Khalix, buong akala ko ay siya ang dumalaw pero si Ate lang pala.

"Long time no see, Little Sis."

Tipid akong ngumiti. "Ikaw pala Ate."

"You look dissappointed?"

"I thought it was him." sagot ko.

Ilang linggo na akong nandito sa kulungan, nakalaya na sina Elaiza at Rin pero hindi ako hinayaang makapagpiyansa ni Kaizhee. Kainis na Ayesha! lahat nalang kontrolado niya.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now