C H A P T E R 56

503 30 1
                                    

C H A P T E R 5 6

Ilang segundo na ang lumipas, hindi pa nila nakikita kung sino o sino-sino ang mga kasabwat ni Giselle.

Hinati-hati nila Capt. Jack ang bawat pahina ng booklet,at hindi hinayaan nila Papa Kin na tumulong si Kaizhee at maging ako ay hindi binigyan ng papel.

"Why did you gave him, Tito?" may bahid ng inis ang boses ni Kaizhee ng binigyan ni Papa si Khalix ng mga pahina para maghanap.

"He's our suspect!" dagdag pa niya.

Nagkatinginan kami ni Khalix, tumango siya at nakakaintinding ibinalik kay Papa ang mga papel.

Napabuntong hininga sina Papa at Sir Kenzo. Iniwasan kong mapatingin kay Kaizhee, dahil sobra na talaga siyang nakakainis simula't kanina.

"Giselle Perez - Atty. Elaiza Lopez." pagbasa ni Capt. Callius sa isang pahina.

Tumikhim si Liam. "I'm with her that day, Elaiza gave her a dresses that she can use." paliwanag nito.

Tumango-tango sina Sir Kenzo. Nagulat kami sa biglaang pagtayo ni Kaizhee at inagaw ang mga papel kina Quiro at Capt. Solomon.

"Chill Kai, nagmamadali ka boy?" natatawang saad ni Uncle Gurang nang pati ang hawak niya ay kinuha nito.

"Tagal." tipid na sagot nito habang nakatutok sa mga papel.

Mukhang matatagalan pa sila, minabuting umalis na muna ako at tutulong sa paghanda ng mga pagkain kina Manang Freya habang abala sila sa paghahanap.

"Oh ba't sumama ka?" tanong ko kay Khalix nang mapansing sumunod siya sa akin dito sa kusina.

Lumabi siya. "T-tutulong ako."

Hinawakan ko ang kaniyang kamay. "Tara."

Nagpatulong ako sa kaniya sa pagpusod ng aking buhok, pagkatapos ay isinuot naming dalawa ang tig-isang apron na magkaparehas pa ang disenyo.

"Bagay na bagay talaga kayo Ma'am Aye. . ." hagikhik nila Manang Freya.

Napanguso ako. "Echoserang mga frog to!"

"Love. . . Capt. Miguel has an allergy on chicken and egg." paalala sa akin ni Khalix.

Nakakaintinding tumango ako. "Sino pa sa kanila ang may allergy? Sa shrimp meron ba?" tanong ko.

"Uh Uncle Kenzo." aniya.

Pinunasan ko ang kaniyang mukha at leeg. "Ikaw anong gusto mo?" masuyong tanong ko.

Ako? Ako ba ang gusto mo, love?

"Uhm. . . Donuts." kagat labi niyang sagot.

Dissappointed akong natawa. "Manang paki-order nalang yung donuts para kay Mr. TREVOR!" utos ko.

"Love, what's wrong?" inosente niyang tanong.

Inirapan ko siya. "Bitbitin mo yan, dalhin mo sa sala. . ." sagot ko at nauna nang umalis.

Nadatnan kong nagtatalo sina Jared at Kaizhee, at ayaw magpaawat ng dalawa. Sina Papa Kin at Papa ay tila problemadong nakatingin sa mga hawak nilang pahina ng booklet.

"He's the traitor! That's the evidence that he always visits her in jail!" halos umugat na ang leeg ni Kaizhee.

Tumikhim ako. "Nakita na kung sino?"

"Yes but they didn't believe." agap na sagot ni Kaizhee.

"Kasi naman, kilala naman natin siya. Alam nating hindi niya kayang gawin ang mga bagay na yun." sabi ni Jared.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now