C H A P T E R 23

974 36 3
                                    

C H A P T E R  2 3

Ilang oras na akong nakatingingala sa kisame, hindi parin ako makatulog buhat ng nangyari kanina. Naiisip ko si Khalix, yung sinabi niyang ginawa sa kaniya ni Claire.

What if nagkamali ako ng akala?. . . pero may parte rin sa akin na hindi naniniwala sa sinabi niya. Mahal ko siya, nasaktan lang naman ako kaya ako ganun sa kaniya.

"Baby bakit?. . ." tanong ko sa aking tiyan ng muli na namang sumipa ito.

Marahan kong hinaplos at bahagyang tumingin sa wall clock, 11 pm na at mag-aapat na oras na akong natutuliro sa naiisip.

Bumangon ako at lumabas sa kwarto, naalala ko tuloy yung sinabi ni Khalix. Mas madaling makatulog ako kapag umiinom ako ng gatas, nakakatamad lang dahil siya lagi ang nagtitimpla ng gatas sa tuwing hindi ako makakatulog.

"Manang gising pa po ba kayo?"

Nang wala akong marinig na sagot ay marahan akong bumaba at gumawi sa may kusina. Napasandal ako sa pader ng makaramdam ng kaba at takot.

"Khalix. . ." wala sa sarili kong nasabi.

Ipinilig ko ang aking ulo. Hindi ko na inabalang buksan ang ilaw dahil maliwanag naman ang ilaw na nanggagaling sa ref.

Una kong kinuha ang gatas, at isinalin sa may heater para ipa-init. Nanginig ang kamay ko ng kumuha ako ng baso para ilagay ang gatas, sakto pang nabitawan ko iyon.

"Shet! Ang tanga mo talaga Aye!" paninisi ko sa sarili ko. Bumuga ako ng hangin ng hindi parin mawala wala  yung kaba sa dibdib ko.

Bumukas ang ilaw. "Anong nangyari, anak?"

"Sweetie. . . Wait don't touch that!" pagpigil sa akin ni Papa.

Kinagat ko ang aking labi at umiwas ng tingin. Nagising tuloy silang lahat, pati ang mga tauhan nila Papa nagsipasukan dito sa kusina.

"Boss Leo, what happen?!" tanong rin ni Quiro na halatang kakagising lang.

"Ah eh. . . sorry po nabitawan ko lang yung baso."

Nagsilapitan sa akin ang mga maids, hinapit ako ni Papa palayo sa may bubog at lininis nila Manang ang mga nagkalat.

Pumupungas pungas na bumaba rin si Popshie. May suot itong roba at nakafacial mask pa ito na kulay ginto.

"Anong ganap, Mare?" tanong niya.

"Pinainit ko po yung gatas. . . iinumin ko sana kaso nabitawan ko po" mahinang sagot ko.

Hinalikan ako ni Papa sa ulo. "Ipagtitimpla kita, Sweetie hmm." malambing niyang bulong.

Si Papa na mismo ang nagdala ng midnight snacks at yung gatas ko dito sa kwarto. Ang swerte ni Claire, dahil lumaki siyang kasama si Papa, hindi naman ako naiinggit o nanghihinayang kasi nandiyan naman si Popshie.

"Goodnight po Mama, Papa and also to you Popshie. . ." mahigpit kong yinakap si Popshie kahit todo iwas siya dahil sa facial mask sa mukha niya.

Kumunot ang noo ko nang makitang umiilaw ang cellphone ko, hindi ko alam na sinilent ko pala ito kanina dahil ayokong maistorbo sa mga tawag ni Raquel.

Nanlaki ang mga mata ko sa sunod sunod na missed calls ni Bria, 57 lahat at marami pang text. Sinagot ko ito agad ng muli siyang tumawag.

"Hello Bff?"

"Si #$%&*#$*!!!" aniya sa kabilang linya.

"Hoy gaga ano?!" singhal ko.

"#&$/£¥₩!!!"

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now