C H A P T E R 8

1.4K 50 4
                                    

C H A P T E R 8

Ika-anim na araw palang na wala si Khalix ngunit tila parusa na sa akin ang hindi siya mayakap. Oras-oras naman siyang nakikipagvideo call pero iba parin talaga kapag kasama ko siya.

"Khalix!" excited kong sigaw ng makarinig ng ingay sa baba.

Patakbo akong pumunta sa kusina, ngunit ang abot tengang ngiting nakapaskil sa aking labi ay agad nawala nang makitang si Quiro ang nagluluto.

Magkasalubong ang kilay niyang napalingon sa akin. "8 days pa Miss." utas nito.

Mababaliw na yata ako kapag hindi pa siya umuwi hanggang bukas, kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. Kulang nalang pagnasahan ko na lahat ng pictures niya sa aking cellphone.

"Okay." kiming sabi ko.

Umupo ako sa highchair, at pinanood ang sinend na movie ni Khalix sa telegram para daw malibang ako. Baliw na talaga ako, comedy ang genre pero bakit umiiyak ako?

"Wipe your tears Miss." sabi sa akin ni Quiro at inilagay sa harap ko ang tissue box.

Suminghap ako. "Grabe ang gentleman mo ha?!" pairap kong sinabi.

Tumunog ang cellphone niya. Napansin kong napailing ito ng mabasa ang mensahe ng kung sino at nagdadalawang isip na napatingin sa akin.

Nagulat ako ng lapitan niya ako at inayos ang buhok kong nakalugay. Mahinang napamura siya sa ginagawa dahil hirap na hirap sa pagtali.

"Utos ba ni Khalix?" tanong ko.

Tipid siyang tumango. "I have no choice."

Nang matapos siyang magluto, nagmamadali na siyang umalis. Nagkibit balikat nalang akong kumuha ng ulam.

Dalawang putahe lang ang hinanda niya, kung nandito siguro si Khalix. . . punong puno ng mga ulam ang hapagkainan at masaya kaming pareho na kakain.

"Adobong baboy ba ito? Dinuguan?" tanong ko sa sarili.

Sumandok ako ng konti. Napangiwi ako sa itsura nito, maitim at malalaki ang hiwa ng karne. . . subalit may kakaibang amoy ito na hindi ko gusto.

Napatakip ako ng ilong. "Ang baho!"

Ayoko namang itapon, baka may masabing hindi maganda si Quiro kapag nakita niya sa trashcan ang mga pinaghirapan niyang linuto.

Tumikim ako ng konti. Agad akong nagsisi ng bumaliktad ang sikmura ko. Mabilis akong tumakbo papunta sa banyo, humawak ako sa inidoro at sumuka ng sumuka.

"Hayop na Quiro! May matinding galit ba sa akin at balak niya akong lasunin." himutok ko.

Bumalik ulit ako sa banyo, sumuka na naman ako subalit ngayon ay tubig na lang ang nailalabas ko. Ramdam ko ang panghihina sa ilang beses kong pagsuka.

"Humanda ka siya at isusumbong ko siya kay Khalix!" singhal ko.

Mabagal akong naglakad palabas ng banyo. Humawak ako sa may pader ng biglaang kumirot ang sintido ko. Maya't maya ay naging blurred na ang vision ko, kaya kinailangan kong kumapa ng makakapitan.

"Yung cellphone ko. . . nasaan na ba iyon!" pangangapa ko.

"Here." sabi ng kung sino.

Pinagkatitigan ko ito ng mabuti. Unti-unting naging malinaw sa akin kung sino ang nasa harapan ko. Salubong ang kilay niyang nakatingin din sa akin.

Napaatras ako. Akala ko ba two weeks sila sa Macau? Kung ganun nasa Pilipinas na rin ba si Khalix?

"Are you o-okay?" nag-aalala niyang tanong.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now